Chapter 24

65.5K 3.2K 1.5K
                                    


C H A P T E R 2 4
━━━━༺❀༻━━━━

Kaagad akong napabitaw sa pagkakahawak sa pisngi ni Zayn. Umakyat sa mukha ko ang kaba sa aking dibdib lalo nang magpalipat-lipat ng tingin si Charles sa aming dalawa ni Zayn.

Nang huminto ang kanyang mata sa akin ay mapait siyang ngumiti.

"So it's him?" matabang na tanong niya sa akin.

Humakbang ako upang lapitan siya pero umatras siya at itinaas ang kanan kamay upang pahintuin ako. Kita ko ang panginginig ng kanyang kamay.

"Tell me! Lauren siya ba? Si Giov ba ang gusto ng Daddy mo para sa'yo ha?!" Charles shouted.

Nanginig ang ibabang labi ko, mas namula ang mukha ni Charles sa galit. Kitang-kita ko kung paano niya ikinuyom ang kaniyang kanan palad habang ang kaliwang kamay ay may hawak na lunch box na may lamang ulam.

"Don't shout at her moron."

Mabilis ang pangyayari.

Sa isang iglap ay binitawan ni Charles ang hawak niya at sinugod si Zayn, napasigaw ako sa gulat.

"Charles!!"

Nanlaki ang aking mata nang makita sunod-sunod na sinapak ni Charles sa mukha si Zayn at ang gago ay tumawa lang habang nilalabas ni Charles ang galit sa kaniya.

Oh God!

"Charles please stop! Oh God Zayn stop laughing you idiot!"

Mabilis akong lumapit at hinawakan si Charles sa braso pero hindi siya nagpapigil, itinulak niya ako palayo dahilan upang mapaupo ako sa sahig.

"Shit!" mura ko.

"Fuck you!" boses iyon ni Zayn.

Isang kurap lang ay nabaliktad ang posisyon nila. Sakal-sakal ni Zayn si Charles habang nakasalampak ito sa sahig.

"I let you hurt me because I deserved it but you pushed my baby! Damn you! I'll kill you!" Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Zayn.

Napaubo si Charles dahil sa sakal ni Zayn. "Zayn!!" Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanila.

Hindi na makahinga si Charles, nangilid ang luha ko dahil sa kaba.

"Zayn!" Hinawakan ko siya sa braso. Kitang-kita ko nanginginig ang kaniyang kamay, mas lumabas ang ugat niya roon.

"Zayn stop it please! Mapapatay mo si Charles!" sigaw ko.

Pilit ko silang nilalayo sa isa't-isa. Napahikbi ako at niyakap si Zayn mula sa likod. "Please, please, please! Zayn let him go. Please, please, please!" Napahagulgol ako sa sobrang takot.

Hindi ako sanay makakita ng ganito, sa mismong harap ko pa. Hindi ko ata kakayanin kapag may isang napahamak sa kanila. Kasalanan ko 'to.

Kaagad binitawan ni Zayn si Charles at hinarap ako nang marinig na ang iyak ko. Rinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ni Charles at paghabol ng hininga.

Pinunasan naman ni Zayn ang aking pisngi. "Shh. Stop crying baby. Hindi na. Please huwag ka ng umiyak nanlalata ako," bulong niya.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon