Chapter 13

76.4K 3.2K 716
                                    

C H A P T E R 1 3

Love?

Napasinghap ako nang mahigpit akong yakapin ni Zayn, nakasubsob siya sa aking tiyan habang mahigpit ang niyakap sa aking beywang. Bahayang napaawang pa ang aking labi dahil sa ginawa niya, mabilis na humawak ako sa kanyang balikat para itulak siya palayo sa akin pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin na para bang ang tagal na niya iyon gustong gawin.

Naging mabagal din ang aking paghinga dahil sa kaba. Tanging si Charles lang ang nakakalapit na lalaki sa 'kin na ganito kaya hindi ako sanay na may ibang lalaki na bigla na lang yayakap sa akin. Everytime Charles hugged me I felt comfortable with him but when Zayn, I feel different. I'm so nervous I thought I was gonna throw up in so much anticipation.

"Zayn, let me go! A-Ano bang ginagawa mo? Nanansing ka na!" sinubukan kong magbiro para itago ang panginginig ng aking boses.

"It's been a long fucking time, Love. This man, Zayn gave me a hard time to come out. Damn that fucking motherfucker bitch!" napaawang ang aking boses sa sinabi niya.

At lalo na sa boses niya, kilalang-kilala ko ang boses na iyon. His voice with a french accent narinig ko na iyon hindi ako pwedeng magkamali.

Hindi pa ako nakakabawi ng gulat ko ay biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Mat animong alam na niyang may hindi magandang mangyayari base sa kanyang mukha kitang-kita ko kung paano siya mamutla nang makita si Zayn na nakayakap sa 'kin.

"M-Mr. C-C-Coster?" tawag niya kay Zayn na animong may gusto siyang siguraduhin.

Dahan-dahan lumayo sa akin si Zayn para tingnan ang kanyang Butler, hindi nakaligtas sa aking paningin ang nakakatakot na blankong mukha ni Zayn ng humarap siya kay Mat.

Mas lalo akong naguluhan sa reaksyon ni Butler Mat. Para siyang nakakita ng multo nang magtama ang mata nila ni Zayn, nanlaki ang mata niya at nabitawan ang kape na binili na kaagad kumalat sa mamahaling carpet.

"Tss. I already fired you, right? Why are you still working here?" Nanuyo ang lalamunan ko sa paraan ng pag kausap ni Zayn kay Mat na halata mong hindi alam ang gagawin.

"H-Huwag kang gumawa ng gulo," nagulat din ako sa paraan ni Mat na makipag-usap sa amo niya.

Walang ng paggalang pero halata mong takot sa kanyang boses.

Pagak na tumawa si Zayn iyong tawa na nakakakilabot. Hindi ko alam ang gagawin ko basta nagpapalit-palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"I hate it when you are pretending, that you are not scared to me but the truth is you really want to run now." Natatawang ani Zayn tapos ay nakangiting umangat ang tingin niya sa akin. "Just be thankful that I'm in my good mood. That my Lauren is here because if not, you now what I can do."

Bahagya akong napaigtad ng hamplusin ni Zayn ang pisngi ko. "How's my love?" tanong niya tapos ay hinamplos naman ang ibabang labi ko.

"What?" tanong ko bago ilayo ang mukha ko sa kanya.

Tumingin ako kay Butler Mat nang makarinig ng pagkasa ng baril. Halos atakihin ako sa kaba nang makitang tinutukan ni Mat si Zayn ng baril.

Narinig kong bumuntonghininga si Zayn bago tumayo at ilagay ako sa likod niya pero hindi sapat iyon para hindi ko makita ang reaksyon ni Mat. Nakikita kong nanginginig ang kamay niya habang nakatutok ang baril sa amo niya.

"M-Mat bakit babarilin mo s-si Z-Zayn?" kinakabahan tanong ko.

"Miss Trios lumayo kayo sa kanya," utos niya sa 'kin.

Naguguluhan akong napatingin kay Zayn na blanko ang mukhang nakatingin sa butler niya na tinututukan siya ng baril.

Imbes na sundin ko ang sinasabi niya ay hindi ako makagalaw dahil na rin siguro sa kaba. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari, nag-uusap lang kami ni Zayn kanina tapos bigla ganito na.

"Put down that damn gun you moron! You're scaring her," matigas na wika ni Zayn kay Mat.

"Leave!" utos din ni Mat na sinagot ng malakas na tawa ni Zayn.

"Baka nakakalimutan mo? This is my fucking house too," he said arrogantly.

"This is Mr. Quvenzhane's house. Leave or I'll shoot you!" banta ni Mat.

I heard Zayn 'Tsked' before he looked at me.

"I don't like when someone is controlling me," matigas na usal niya bago ako hawakan sa kamay, para akong napaso dahil doon.

Humarap siya sa 'kin at hindi alintana ang baril na nakatutok sa kanya. Mabilis akong hinalikan ni Zayn sa noo bago binatawan ang kamay ko. "Close your eyes." May sariling buhay ang mata ko hindi ko alam bakit ko siya sinusunod, pumikit ako katulad ng gusto niyang mangyari.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, nang dumilat ako ay nakita ko na lang nakabulagta na si Mat at nakabukas na ang pinto, wala na si Zayn.

"Butler Mat!" tawag ko sa kanya.

Sinubukan kong alugin si Mat pero wala siyang malay at wala na ang baril na hawak niya. Anong nangyari? Si Zayn parang nag-ibang tao na naman siya.

Sigurado akong hindi iyon si Giov, Giov is a playful and chic boy. Siguradong kung siya iyon baka nilalandi pa rin niya ako ngayon at bastos ang bunganga no'n mas lalong hindi iyon si Ji-hyeon. Ji-hyeon is like a teenage kpop fan na ewan, ibig may iba pa bukod sa dalawa? Fuck.

Dumating na ang ilang guard sa library at tinulungan si Mat, nakaalis na rin si Zayn dahil nilinlang niya ang mga guardya na nagbabantay sa labas.

That man!

Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari, iyon pa nga lang ipapakasal ako sa hindi ko kakilala ay sobrang epekto na sa 'kin tapos ito pa ngayon na nalaman kong may pinagdadaanan si Zayn.

Anong kinalaman ko sa kanila? Anong mapapala nila sa 'kin?


***

                Nang makababa ako sa sala ng bahay ni Zayn ay nanginginig ang kamay na sinagot ko ang tumatawag sa 'kin. Si Butler Mat ay hanggang ngayon ay tulog pa rin dahil sa pagpukpok ni Zayn ng baril sa kanyang leeg.

Kaagad kong narinig ang boses ni Charles sa kabilang linya.

"Lauren are you okay? Galing ako sa condo mo pero si Lily lang ang naabutan ko roon. Where are you Sweety?" Hindi ko alam pero tuluyan tumulo ang luha ko nang marinig ko ang boses ni Charles.

"C-Charles . . ." Hindi ko mapigilan mapa-hikbi.

"Hey, are you okay? Gusto mo bang puntahan kita? Nasaan ka ba? Kasama ko kaibigan ko ngayon may pupuntahan daw kami e."

Natigilan ako sa sinabi niya. "S-Sinong k-kaibi—gan C-Charles?"

"Si Giov.."

**
SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon