Chapter 17

69.1K 3.2K 1.1K
                                    


C H A P T E R 1 7
━━━━༺❀༻━━━━

Napakurap-kurap ako ng makabawi sa sinabi niya at hindi makapaniwala siyang tinitigan. That woman raped him? No way!

Ilang beses nagmura si Zayn bago paandarin ang kanyang kotse. Hindi na ako nakapagsalita hanggang makarating kami sa building, kitang-kita ko pa nanginginig ang kaniyang kamay at mahigpit ang hawak sa manibela.

Walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa harap ng condo ko, nakapamulsa lamang siya pero alam kong nakakuyom ang kanyang kamay sa loob ng bulsa.

"I-I need to take a bath..." He mumbled.

Napa-angat ang ang aking kilay roon.

"Hah?"

"Gusto ko maligo, naiinitan ako," wala sa sariling binuksan ko ang condo ko at tinuro ang pintuan sa gilid.

Suminghap siya saka walang sali-salitang pumasok doon animong nagmamadali. "Anong problema no'n?"

Napailing ako at pabagsak na napaupo sa sofa. Wala si Lily sa condo ko, baka umuwi na iyon.

Napatitig ako sa pintuan ng banyo na nakasara ng marinig ko ang pag-buhos ng shower doon. Talagang naiinitan siya? Malamig kaya. Kakaulan lang tapos medyo nabasa pa siya kanina.

I want to ask him about that woman. Tatanungin ko na lang siya mamaya kung anong nangyari, kung totoo ang sinabi niya kanina? Rape is rape, whatever the gender and age. Why she's still outside and free? Kung inabuso siya dapat pagbayaran iyon ng babae. Ilang araw ko pa lang siya nakikilala ang dami ko ng nalaman tungkol sa kaniya. Ano pa ba ang dapat ko malaman? Dapat isahan na lang para hindi na ako mabigla pa.

Kinapa ko ang phone ko nang tumunog ito.

"Hello?"

"Miss Trios?" I gasped.

"Mat? Are you okay now?!" buong pag-aalalang tanong ko.

"Yes, I just woke up. Kasama mo po ba si Mr. Coster?" I can hear his worry voice, rinig ko ang hingal sa kanyang boses animong nagmamadali.

Napatingin ako sa banyo na nakasara pa rin. "Yep," I said popping the letter p. "Nasa banyo siya. Uhm, I don't know what happened but we met a woman named Esmeralda and--"

"Shit! Shit! Shit!" rinig kong sunod-sunod na mura ni Mat tapos ay ang pagtakbo niya. "Papunta na ako diyan. Please open the bathroom! Please don't leave him alone Miss Trios!" halos sigaw na nito.

Napatayo ako. "Bakit? Ano bang nangyayari?"

"I'll tell you later but now check him! Right now, it's not good for him to be alone!" Kahit naguguluhan ay pinatay ko ang tawag bago pumunta sa banyo.

I knocked on the door.

"Zayn?"

Itinapat ko ang aking tainga sa pintuan. Malakas ang tunog ng tubig pero hindi iyon ang nagpakaba sa akin kundi ang mahihinang hikbi sa loob.

I broke into a sweat. My heart pounded, and my hand began to feel clammy, my heart was still threatening to burst forth from my ribcage when I heard his sobs.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon