Chapter 2

120K 4.1K 205
                                    

C H A P T E R 2
━━━━༺❀༻━━━━


"Do you always stutter your sentences, Love?"

Nahigit ko ang aking hininga sabay ng aking paghigpit sa hawak sa gilid ng suot kong black dress, kahit lakihan ko pa ang aking mata ay puro itim lang ang tangi kong nakikita.

"Huwag kang lalapit sabi!" inis na singhal ko sa kung sino man nang narinig ko ang yabag nito na papalapit lalo sa akin.

Kung ano-ano ng senaryo ang pumasok sa aking isip. Hindi ko alam kung saan ako babaling hanggang sa may maramdaman akong init mula sa aking harapan.

Oh God! Nasa harapan ko na siya!

"S-Sisigaw ako! Lumayo ka!" pananakot ko kahit pa nga pakiramdam ko ay sumisigaw na talaga ako.

Mas nilakihan ko ang aking mata upang makita kung sino ang nasa aking harapan pero bigo ako.

I heard him chuckled, it was just weak low chuckled but I could feel his breath on my face, he was only a step away from me.

Nanginig ang aking kamay sa takot sa mga maaaring mangyari.

"I really want to hear your scream. Scream my name, love." Sunod-sunod ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman na inalis niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?!" bulong ko, unti-unti nang nawawal ang tapang ko. Natatakot na sa maling galaw ko lang ay tumama ang mukha ko sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang lapit namin.

Niliitan ko ang aking mata para maaninang siya, pakiramdam ko'y higit na mas matangkad siya sa akin.

Nanginginig ang aking kamay lalo na nang naramdaman kong yumuko siya para magpantay ang aming mukha. Humigit ako ng hininga, kasabay ng pagtaas ng aking balahibo sa batok.

"Scared love?" He asked me again using his deep voice. His voice is familiar, like I already heard it before.

Hindi ako sumagot bahagya kong binuksan ang aking labi para doon huminga dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa misteryosong lalake na ito sa aking harapan. I closed my eyes when I feel his palm on my face. My lips trembled because of that; I can feel his warm thumb on my cheek.

He slightly caressed my wet cheek with his thumb. Sandaling nawala ang kaniyang kamay sa mukha ko pero kaagad din bumalik, hindi na ang kaniyang daliri ang lumapat sa pisngi ko kundi isang malambot na tela.

Hindi ako makapagsalita, hindi rin ako makagalaw dahil nakakulong ako sa pagitan ng pader at katawan niya.

Maingat niyang pinunasan ang mukha ko gamit ang malambot na tela, hindi siya nagsalita pakiramdam ko ay nakikita niya ako samantalang ako ay wala man lang maaninag.

"Take a nice deep breath," wika niya nang mapansin na pigil ko ang aking hininga.

Napabuga ako ng hangin habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, pakiramdam ko ay naririnig niya iyon.

Ano na lang ang gagawin ko kung may gawin siyang masama sa akin? Bakit walang pumapasok sa banyo? Kanina pa ako sumisigaw pero parang wala naman nakakarinig.

"S-Sino ka?" Kahit kabado ay pinilit kong magtanong.

Hindi siya sumagot bagkus ay naramdaman kong bumaba ang kaniyang mukha upang pumantay sa akin. Halos manginig ang aking tuhod nang dumampi ang tungki ng kaniyang ilong sa aking ilong.

Kaagad kong iniharang ang aking palad sa kaniyang dibdib para hindi siya gano'n makalapit sa akin at para maitulak ko siya pero maling desisyon iyon dahil para akong nakuryente nang maramdaman ang matigas niyang dibdib.

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon