Chapter 11

84K 3.1K 218
                                    


C H A P T E R 11
━━━━༺❀༻━━━━

I don't know how many times I looked at the screen of my phone while tapping the tip of my ballpen on the table in front of me. I should not be thinking about Zayn but I don't know what to do after what happened last night.

Pagkatapos namin mag-usap ay kusa siyang sumama sa Butler niya at hanggang ngayon ay wala na akong balita pa.

It's none of my business actually, dapat nga ay matuwa ako na mukhang mapapadali ang plano ko na hindi matuloy ang gusto ng aking ama na maipaksal sa kanya.

Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pumayag si Mr. Coster sa bagay na iyon. I'm sure that's not just about the debt of my Father at mas lalong hindi naman ako gano'n kagandahan para maging gano'n kapatay sa'kin si Zayn at gustuhin akong asawahin. I have a weird feelings about this matter.

"May hinihintay kang text noh?" Lily suspected.

Ngayon ay nasa condo ko kami, pupunta rin dito maya-maya si Charles.

I looked at her. "Tinitingnan ko lang 'yong oras." I lied.

She looked at me flatly. "May nakapag sabi na ba sa'yong ang pangit mong magsinungaling?" tanong niya.

Napatigil ako at napatitig sa kanya. Ganyan din ng sinabi sa akin ni Zayn noong nasa coffee shop kami.

I arched my right eye brow, para lang itago ang pagsisinungaling ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano nga bang hinihintay ko't tingin ako nang tingin sa phone ko. Wala naman akong hinihintay na magtext e, well, okay fine. I'm waiting for a simple text from Zayn or Butler Mat.

"Wala nga kasi, hinihintay ko lang magtext si Charles baka nasa ibaba na 'yon." Kasalanan ang magsinungaling pero hindi ko rin naman kayang sabihin kay Lily na naghihintay ako ng update tungkol kay Zayn.

I'm just curious, nothing more.

Her suspicious eyes stared at me. "Lau, matagal na tayong magkaibigan at alam na alam ko kapag hindi ka komportable sa sinasabi mo, you have this weird habit na kinakagat mo ang ibabang labi mo kapag naiilang ka or nagsisinungaling ka. I know you," buong pagmamalaking usal niya na para bang isa akong puzzle na nabuo niya.

Napabuntonghininga na lang ako, wala naman mangyayari kung makikipagtalo pa ako kay Lily.

Sakto naman may nag-doorbell at alam kong si Charles iyon kaya nakangiting binuksan ko ang pinto pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang hindi ko inaasahan tao.

"Zayn," I called his name and gasped.

Nakasuot siya ng longsleeve na kulay maroon na katulad noon ay nakatupi hanggang siko kaya naman agad ko siyang nakilala.

Ganyan pumorma si Zayn.

He wasn't a male model but he should have been. The lush, hazel-dark hair he groomed so carefully had a rippling quality, a sign of his rude health.

Nakapamulsa siya habang nakadungaw sa 'kin. "Are you not going to invite me inside?" magaspang na tanong niya.

Napatirik ang mata ko siguradong si Zayn nga ito.

"Bakit ka nandito?" hindi ko pinansin ang kanyang tanong.

Thank God, he's okay. Dahil kagabi mukhang tulala si Zayn hanggang makaalis sila si butler Mat pero sa nakikita ko ngayon ay mukang wala naman problema.

Ilang sandali siyang natahimik.

Bago unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Bakit namiss mo ba ako?" tanong niya.

Sasagot pa sana ako nang biglang may magsalita mula sa likod ko dahilan para mariin akong mapapikit.

"Lauren sino 'yan? Si Charles na ba 'yan?!" sigaw ni Lily.

Kagat ko ang ibabang labi saka dumilat. Nakasalubong ko ang blankong mata ni Zayn, nawala na ang nakakalokong ngisi nito sa labi.

Naramdaman ko rin ang presensiya ni Lily sa likuran ko, hindi ko na kailangan panglingunin siya para malaman na nagulat siya sa na hindi si Charles ang nasa harap ko.

"So Charles huh?" He raised his brow to me then he looked at my back. "What's his full name?" tanong niya kay Lily na natigilan sa likod ko.

Kaagad akong ginapang ng kaba, why would he asked question like that?

Hindi sumagot si Lily kaya inulit ni Zayn ang tanong niya. "What's his surname? Tell me," he said with an authoritative voice.

"H-Hernandez . . ." sagot ni Lily kaya nanlalaking matang napatingin ako sa kanya.

Damh this idiot bitch!

"Lily!" histerikal na tawag ko sa kanya dahil mukhang natulala siya sa mukha ni Zayn.

"What?" She snapped.

Napahilamos ako ng mukha dahil doon bago ako bumaling kay Zayn na nakatingin lang na sa akin. "Charles Hernandez, is he your lover? Alam ba 'to ng Daddy mo?" blanko ang kanyang boses.

Kaagad akong ginapang ng kaba dahil sa tanong niya, kung malalaman 'to ni Daddy ay lagot ako.

"Let's talk about this," aniko at isinara ang pinto dahil baka kung ano pa ang masabi ni Lily.

He looked at me and shrugged. "We are talking now."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, gusto kitang kausapin ng seryoso at madami rin akong gustong itanong sa'yo."

Narinig ko pa ang pag buntonghininga niya.

"You should say, let's have a serious talk and you need to explain everything to me. Gano'n dapat," pangangaral niya sa 'kin.

Inirapan ko na lang siya. Hindi na ako nagpalit ng damit naglakad kami papunta sa elevator. Nang tumapat kami sa elevator ay inakbayan niya ako kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Get your hand off me," banta ko sa kanya pero kinurot niya lang ang aking pisngi.

"Stop pretending, bakit ba nagsusungit ka sa 'kin? Parang akbay lang pinagkakait mo pa?" parang batang tanong niya sa 'kin.

Sasagot pa sana ko ng saktong bumukas ang elevator.

Kahit ilang beses kong inaalis ang kamay niya sa balikat ko ay paulit-ulit niya lang itong binabalik.

Naging tahimik kami ni Zayn pababa hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Gusto ko lang talaga malinawan sa lahat ng nangyayari.

"Have you watched fifty shades? The elevator scene?" pagbasag katahimikan ni Zayn.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya, nilingon ko siya.

"Yung nagkiss sila sa elevator?" kalmadong tanong ko kahit naguguluhan ako bakit ito ang topic namin.

He looked at me with a sparkle in his eyes. "Nope, the other one. The lead man put his finger on her—awww."

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Kaagad ko siyang siniko sa tiyan at sakto naman bumukas ang elevator.

"Siraulo," singhal ko bago naglakad palabas ng gusali.

**

SaviorKitty

The Beast He BecameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon