CHAPTER 2

2 2 0
                                    

Sandra's PoV

Ngayon ay araw ng linggo at kagabi ay walang kibuan ang namagitan sa amin ni Keith.Nainis ko ba sya sa mga sinabi ko.Masakit ba akong magsalita para hindi nya pansinin.Aaminin ko na naguilty ako sa sinabi ko pero totoo naman kasi lahat ng sinabi ko na hindi o ayaw ko pa ng kaibigan ngayon.Gusto ko lang ay mag-isa at at tumulala at mag-isa ulit at mag-isa ulit.

Huminga pa ako ng malalim bago lumabas ng kwarto namin.Paglabas ko ay amoy na amoy ko ang mabangong niluluto sa kusina kaya naman pumunta ako doon.

"Gising ka na pala." Si Keith at nag-aayos sya ngayon sa lamesa.

"Ano yung niluluto mo."  Para akong lantang gulay ngayon at sinisinghot lang ang mabangong amoy na yun.

"Adobo, let's eat." Sabi nya at kinuha ang niluto nya .

Umupo naman ako at hinihintay ang adobo."Sana ginising mo na lang ako para ako na yung nagluto."

"Okay lang ,hilig ko din naman kasi yung pagluluto."

"Salamat dito "

"Simula bata pa lang kasi ako gustong-gusto ko na ang pagluluto."Hindi ko inaasahan na magkukuwento pa sya dahil hindi naman kami nag-usap kagabi. "Ako nga ang nagluluto sa amin,daig ko pa daw ang yaya namin sabi ni Mommy at Daddy ."sabi nya."Sabi nga ni Daddy magchef na lang ako."

"E bakit hindi ka magchef." Nagsalita na ako dahil nakakahiya naman kung dadal lang sya ng dadaldal at ako nama'y tuloy lang sa pagkain.Kabastusan para sa akin kung gagawin ko yun.

"Ayoko e."

E di wag !

"Hilig ko ang pagluluto pero ayokong magchef ipu-push ko talaga ang tourism.One thing that I thought is how can I be sure na aasenso nga ako."

"At sa tingin mo sa tourism ka aasenso."

"Ahahaha di ko rin alam,feeling ko."

Ninamnam ko na lang ang bawat subo ko .Masarap nga mas masarap syang magluto kaysa sa akin.Maalat alat kasi akong magluto ng adobo dahil gusto ko madaming toyo .Ang luto naman nya ay di maalat di rin matabang.

"Masarap." Nasabi ko na lang at ngumuya ulit .

"Thanks,kahit anong gusto mong ulam lulutuin ko para sayo." Ngayon ay nakangiti na sya.

"Hmm sinigang ang gusto ko mamaya."wala parin ekspresyong mababakas sa mukha ko.

"Sige ba,pwede na pala akong mag-asawa nyan."

Saan naman nya napulot ang salitang yan.Naisingit pa.

Hindi na ako sumagot pa at sumubo na lang.

"Hano? pwede na akong mag-asawa."

"Kung gusto mo."

"Hahahahahaha."Biglang tawa nya.

"Bakit?"Tanong ko na lang at deretso parin na nakatingin sa kanya.

"Ang tanong ko kasi kung pwede na akong mag-asawa anong kung gusto ko, hahahah."tawa nya ulit.

Babaw ng kaligayahan pwede kong tawag sayo.Babao

Sandali kaming natahimik at kumakain ngayon at mayamaya'y bumuka nanaman ang bibig nya.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now