CHAPTER 39

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Miyerkules

Pagkabangon ko sa higaan ay
dumiretso na ako sa Cr at saka
ako nag-umpisa maligo.Hinayaan
ko lang ang shower na patuloy
sa pagbuhos ng tubig.

May naalala lang ako kahapon.
Nung papunta na ako sa bench
nung makita kong magkayakap
si Shaun at Katherine.Napapaisip
talaga ako sa kanila.

"Ayos na kaya sila?"
Tanong ko sa sarili ko.

E ano naman sayo?

"Masamang magsalita?"tanong
ko ulit sa sarili ko.

Baliw...

Mabilis kong inayos ang sarili ko
at saka lumabas ng kuwarto.
Agad sumalubong sa akin si Keith
na kaaga-aga nakabusangot.

Umupo ako at saka kumain tinignan
ko naman si Keith pero parang
wala sya sa sarili nya.

"Hoy!"Sabi ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin at parang
problemado."Anong nangyari?"

Malalim na buntong-hininga ang
pinakawalan nya at saka tumingin
sa akin.Para syang pagod na pagod
na di mo malaman.

"Nakakainis!"bungad nya."Paano
ba naman may lalaking gusto
akong gawing kabit nya!"

"Eh?"Ang nasabi ko at saka
napanganga sa sinabi nya.

"Simula nung magkakilala
kami ayaw nya na akong lubayan!"
Napakamot pa sya sa ulo nya.

"Ano bang panggalan?"
Tanong ko at saka sumubo.

Nag-iwas sya ng tingin.
"Di ko alam!"

"Sabi mo gusto ka nyang gawing
kabit?"

"Paano may girlfriend na sya!
Tapos sabi nya gusto daw nya
ako na maging girlfriend nya!"

Nasamid ako sa hindi inaasahan.
"Agad-agad?"tanong ko sa kanya.

Mabilis syang tumango."What
should I do now?He is handsome
aside from that he is popular
in Maxprime.I can't deny that
I like him!"

Waaaaaaaaaah...

"Akala ko ba di mo sya kilala?"
Napataas ang kilay ko.

Mabilis syang nag-iwas ng tingin.
Pakiramdam ko nagsinungaling
sya sa akin.Hindi sya sumagot.
Hinintay ko pa na magsalita pa
sya pero hindi na sya kumibo.

Pinilit ko nalang yung sarili ko
na huwag syang pansinin.
"Akala ko ba si Daniel ang
gusto mo?"

Nakatingin lang sya sa pagkain
nya."Oo nga.Pero malabo naman
na magustuhan ni Daniel yung
katulad ko."malungkot ang
tono nya."Gusto ko rin kasi
si A!"

"Sinong A?"takang tanong ko.

"Bansag ko sa kanya!"

"Ano ba tunay nyang panggalan?"
Sinusubukan ko paring magtanong
kahit na alam kong ayaw nyang
sabihin.

"I'm sorry...Hindi ko pwedeng
sabihin!"nakayukong sabi nya.

"E kung ayaw mo talagang sabihin
may magagawa pa ba ako?"

Nagpilit sya ng ngiti sa akin.
"Sorry."Sabi nya.

"Ayos nga lang!"nagpilit nalang
ako ng ngiti.

Let the Love change youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt