CHAPTER 35

0 1 0
                                    

SANDRA'S POV

Ang sakit!

Ang sakit ng balikat ko sobra
ang sakit tapos kumikirot pa.
Nakaupo ako ngayon sa bench
at dating gawi nakatulala
nanaman ako.Pero kahit
nakatulala ako hindi ko
mapigilang hindi tignan ang
balikat ko.

Kainis kasi!Lakas ng topak
ng lalaking 'yun!

Kamusta na kaya yung Joshua.
Hindi ko alam kung bakit ko
sya tinulungan na dapat
iniligtas ko na lang ang sarili ko.
Pero ng makita kong duguan sya
nakaramdam ako ng awa.

Hindi ako nagsisisi na nasaksak
ako gusto ko din naman kasing
tulungan sya.Habang nakatulala
sa kung saan ay may naalala ako
sa nangyari kahapon.

Bakit kay Max hindi ako sumama?
Bakit kay Shaun sumama ako?

Naisip ko lang na bakit nga ba
hindi ako sumama kay Max.
Siguro dahil natakot ako sa
kanya.Kung paano syang
sumuntok habang may
nakasuot na asero sa kamay
nya.Siguro nga dahil 'dun kaya
hindi ako sumama sa kanya.

Ouch!

Kumikirot talaga ang sugat ko.
Tinignan ko 'yung balikat ko at
may nahagip ang mata ko.
May katabi na pala ako muntik
na akong mapatalon sa gulat
dahil hindi ko naramdaman ang
presensya nya dito.

Siraulo kang Shaun ka!

"Kamusta na sugat mo?"
Tanong nya habang nakatingin
sa balikat ko.

Tumingin ako sa langit ng hindi
ko alam ang dahilan."Masakit!"
Ang na sabi ko dahil totoo
naman.

"Sa susunod huwag mo ng
uulitin 'yung ginawa mo!"

Para akong tanga dahil sa lupa
na ako nakatingin."Bakit?"

Anong bakit?

"Dahil napapahamak ka!"
Madidiin nyang sabi.

Humarap ako sa kanya at nagtama
ang paningin naming dalawa.
"Paano kung gusto ko syang
tulungan?"

Malalim ang naging paghinga nya.
"Ginusto nila ang magbugbugan
at labas ka na 'don!"

"Pero hindi parin masama ang
tumulong!"nag-iwas na ako ng
tingin.

"Huwag mo ng gagawin 'yun!"
May halong pag-uutos ang tono
nya.

"Paano kung hindi?"
Pang-aasar ko sa kanya.

Yeah!Ganyan naman ang gusto ko!

"Mag-aalala ako sayo!"napaharap
naman ako sa kanya nabigla ako
sa sinabi nya.Hindi ko kasi akalain
na ganun ang magiging sagot nya.
"Makinig ka na lang."mahinang
sabi nya habang nakayuko.

Parang tanga!Si Shaun ba 'to?

Tumingin na lang ako sa kabilang
bench.Ayoko ng magsalita pa
hindi ko alam kung bakit pero
naramdaman ko na 'to dati.
Ang weird pero iba sa pakiramdam
ang sinabi ni Shaun.Nakakailang
ang sinabi nya.

Ayoko ng ganitong pakiramdam
dahil may naaalala ako sa nakaraan
ko.Huminga ako ng malalim at
saka tumayo.Tumayo din si
Shaun sa harap ko sa harap ko
talaga.Naramdaman ko ang
pagkunot ng noo ko.Tinignan ko
sya sa mata at parang nag-iba ang
awra nya.Malungkot ang mga
mata nya.

"Bakit ba?"naiinis na tanong ko.

"Stay here!"utos nya sa akin.
Agad akong tumingin sa ibang
direksyon ayokong makita ang
mukha nya.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now