CHAPTER 37

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Biyernes

Ilang araw akong hindi tumambay
sa bench dahil sa ilang na nararamdaman ko kay Shaun.Iba
kasi sa pakiramdam ang sinabi
nya na nag-aalala sya sa akin.
Pero ngayon wala na akong
pakielam kung nandun sya sa
bench ngayon.

Habang papunta sa bench na
daanan ko pa si Daniel na
naglilinis.Sandali akong huminto
at nakipulot ng bote wala naman
kasi akong gagawin.Tinignan pa
nya ako pero hindi ko na sya
pinansin.

Ng matapos sa pagpupulot ay
nilagay ko yung bote sa sakong
hawak nya.Tumingin sya sa akin
at nginitian ako pilit na ngiti
lang ang ginanti ko sa kanya.

Ng makita kong wala ng boteng
nakakalat ay napagpasyahan
kong pumunta na sa bench.Pero
nakakailang hakbang palang
ako ng tawagin ako ni Daniel.

Walang buhay ko syang tinignan.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin."Okay ka
na?"nakangiting tanong nya.

"Ayos na."sagot ko wala na rin
kasi yung gasa sa balikat ko.

"Good to hear that."nakangiting
sabi nya.

"May kailangan ka pa?"tanong
ko ng hindi ngumingiti.

Napapahiya naman syang tumingin
sa akin."Ah...Wala na."

"Sige."Sabi ko at saka humakbang.

"Sandra."tawag nya sa akin.

Nilingon ko sya."Bakit?"

"Thank you sa tulong."Sabi nya.

"Anytime."pilit na ngiting sabi
ko.

Umalis na rin ako at naglakad
papunta sa bench.Sa daan lang
ako nakatingin pakiramdam ko
kasi wala akong gana parang
nakakatamad na hindi ko
maintindihan.

Huminto ako sa paborito kong
bench at ganun nalang ang
gulat ko ng mapagtanto kung
sino yung nakaupo.Hindi ko
kasi inaasahan na sya ang
makikta ko dito.

Nakangiti sya sa akin."Luna."
Tawag nya sa akin.

Umupo nalang ako at hindi sya
nililingon.Ewan ko ba kung bakit
parang ayaw kong pansinin si
Max.Hindi ko naman kasi sya
masisisi nung sinabi nya na
kasalanan ng myembro ni Aldrin
at ginanti lang ni Max yung
myembro nya.Pero meron din sa
pakiramdam ko na sinisi sya
dahil sa gate pa sila nag-abangan.

"Luna."tawag nya sa akin.

Ayaw ko munang pansinin ka!

"Luna."malungkot ang boses nya.

Hayst!

Tumingin sya sa akin."Luna."

Kulit naman!

"Lun---"

Inis ko syang nilingon.

"Pwede ba kitang kausapin?"

"Ano ba ginagawa mo dito?"
Walang ganang sabi ko.

"Gusto lang kitang makausap?"
Malungkot ang mukha nya.

"About what?"Hindi ko na sya
tinignan.

"Sa nangyari."bumuntong hininga
pa sya bago ipagapatuloy ang
sasabihin."Sorry Luna."

Tinignan ko sya at nakayuko
sya ngayon.Para syang tanga sa
ginagawa nya ngayon ko lang
sya nakitang nakayuko na
humihingi ng tawad.

Let the Love change youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt