CHAPTER 51

0 1 0
                                    

SANDRA'S POV






Break time...

Abala kami ni Keith sa pagkain.Hindi nga naming magawang magkuwentuhan.At ang kinakain ko ngayon ay ang aking favorite. Chocolate cake!

Maayos na akong kumakain,kaso nga lang parang sumama ang timpla ng chocolate cake ko,yung kaninang matamis naging mapait.Nakita ko kasi si Shaun sa entrance at papasok na sya.

Agad nagtama ang tingin namin.Pero ako na ang umiwas.Ayoko pa talaga syang makita.Sino ba naman kasing matutuwa sa ginawa nya?Yung iba siguro pero di ako!

"Sandra!"napatigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ko ang boses nya.
Kahit si Keith.Nasa harapan namin sya ngayon.

Tinignan ko lang sya saglit bago sumubo.Nakakainis nga lang,nasa harapan namin sya ngayon kaya di ko magawang sumubo ng maayos.

"Sandra!"tawag nya ulit sa akin.

Dead-ma lang ako!

"Sandra!"biglang napalakas ang boses nya.Pero di 'yun dahilan para tumingin ako sa kanya."Please Sandra!Look at me!"utos nya.

Ginawa ko naman saglit pero sumubo lang ulit ako.

"Sandra please... talk to me!"

Ngunit nanatili akong walang kibo.
Paubos na rin ang cake ko.Tumingin sa akin si Keith at parang sinasabing
' kausapin mo na!'

"Galit ka pa ba?"tanong naman nya.
Wala pa rin akong kibo at patuloy lang sa ginagawa ko."I understand...
but please,let me explain!"
Pagsusumamo nya.

Sa wakas,natapos din ako.Mabilis akong uminom ng tubig at saka tumayo."Mauna na ako Keith!"
Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tumango naman sya sa akin kaya nagsimula na akong maglakad.
Naramdaman ko namang humabol sa akin si Shaun.Dire-diretso lang ako sa paglalakad at patuloy lang sya sa pakikiusap.

"Sandra,Can we talk?"tanong naman nya matapos makiusap.

"I don't have a time for this!"
Sabi ko pero nananatiling nakatalikod sa kanya.

"Please kahit mamaya.After class?"

Napaharap na lang ako sa kanya.
"Wala rin akong oras mamamaya!
Madami pa akong gagawin!
If you don't mind...I have to go!"
Sabi ko saka mabilis na naglakad.

Jerk!Hindi makaramdam ang punyeta!

Kaninang Lunch nakita ko si Shaun na nasa entrance habang kumakain kami ni Keith,nagtago pa nakita ko rin naman.Patay malisya lang ako, kunwari di ko sya nakita.

Tapos ngayon namang tapos na lahat ng klase ko naramdaman kong sumusunod sya sa akin.Gusto ko pa naman sanang pumunta ng bench kaso nagsinungaling ako sa kanya na may gagawin pa ako.

Kaya pumasok na lang ako ng dorm kahit pa ayaw kong pumasok.
Syempre wala pa si Keith kaya mag-isa lang ako dito.Maaga pa kasi.

Nagbihis na lang ako.Naka-pants ako at white na t-shirt.Pagkalabas ko ng kwarto umupo na ako sa sofa.
Hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

From:Maxarap
Luna!Punta ka dito sa tapat ng Business Department!

Napakunot na lang ang noo ko ng mabasa ko 'yun.Bakit naman ako pupunta 'dun?At bakit hindi nya ako puntahan dito?

Wala naman akong magaawa kaya lumabas na lang ako.
Pagkalabas ko agad na akong dumiretso sa business deparment.

Pagkarating ko sa business deparment tumambad sa akin si Max at Katherine na mag-kausap.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now