CHAPTER 27

0 0 0
                                    

MAX'S POV

Mg matapos ang gulo sa Canteen ay
nagpasya na kaming pumasok
sa mga kanya-kanya naming room.
Ngunit may ipinagtataka ako sa kilos
ni Shaun.

Matapos kasi syang pigilan ni Luna
sa pagsakal sa babae ay inutusan nya
itong lumuhod at humingi ng tawad sa harap ni Luna.
Hindi lang sya dahil lahat ay pinaluhod nya.Galit na galit din
ang mukha nya.

Nagalit din ako sa nangyari kay
Luna pero iba ang galit nya sa
mukha.Nakakapagtaka lang
talaga ang mga kinikilos nya
abot din ang tanong kay Luna kung
ayos lang ba ito.Pinapapunta nya rin
si Luna sa clinic.Pinag-aaralan
din nya ang kabuuan ni Luna.

Ano ba meron sa kanilang dalawa?

Dismissal...

Agad kong hinanap si Luna hindi
ko alam kung bakit pero gusto ko
syang makita at makausap.
Alam ko kasing nasaktan sya kanina.
Alam kong hindi lang sakal at
pagsaboy sa kanya ng sauce ang nangyari.Dahil bago pa man kami
makalapit ni Shaun sa kanya ay
may mga magkakasunod na sampal
na ang narinig namin.

Hindi ako nagkamali ng
pupuntahan dahil agad ko syang
nakita sa bench.Tulala nanaman
sya at hindi parin masyadong
maayos ang mukha.Alam kong
nagpalit sya ng damit pero may mga
galos sya.

Ng tuluyan akong makalapit sa
kanya ay naupo ako agad.Pero
hindi man lang nya ako nilingon.
Bumuntong-hininga ako at saka
sya hinarap.

"Luna."tawag ko sa kanya.
Nilingon naman nya ako at doon
ko lang nakita ang galos sa mukha
nya.Ang makinis nyang mukha
ay may kaunti galos na tinamo.

"Max."tawag nya sa akin at saka
ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanya pero
sa isang banda ay nag-aalala ako sa
kalagayan nya."Ayos ka na ba?"

"Ayos na ako."

"May masakit pa ba sayo?"
Gusto ko syang tanungin ng
tanungin dahil nag-aalala ako.

"Yung mukha ko na lang may
galos pa kasi.Tapos yung lakas
ng pagkakasampal nya."

"Pasensya na Luna kung hindi
kami agad nakatulong."

"Okay lang,Max.Thank you."

Sarap sa tenga.

"Sana kung dumating agad kami
hindi mo dadanasin 'yan."

"Okay lang.Ako naman kasi
ang may kasalanan."
Mahihimigan mo ang lungkot sa
tono nya.

"Ha?"

"Nabunggo ko kasi siya."
Pag-amin nya.

"Kahit pa.Hindi nila dapat ginawa
'yan.Dalawang beses ka nilang
sinaktan."may inis sa tono ko.

"Hindi kasi nila matanggap
ang sorry ko."

"May taong ganyan talaga,Hindi
nakukuntento sa sorry.Ang
gusto makaganti."

Wow!Ikaw ba 'yan ,Max?

"Ilang beses akong humingi ng
tawad sa kanila pero ayaw nilang
tanggapin."

"Huwag kang mag-alala dahil
di ka na nila masasaktan.Takot
din 'yun kay Shaun."Sabi ko.

Let the Love change youDove le storie prendono vita. Scoprilo ora