CHAPTER 34

0 0 0
                                    

MAX'S POV

"TANG*NA!"sigaw ko habang
pinagsusuntok ang puno.

Kanina pa ako suntok ng suntok
dito at hinihiling ko na sana
mukha nalang ni Aldrin ito.
Naiinis ako sa sarili ko dahil
ang daming nadamay bukod
doon nadamay pa si Luna.

"TANG*NA bakit ikaw pa!"
Sigaw ko habang patuloy sa
pagsuntok sa puno.

Bakit kailangang ikaw pa ang
masaksak!

Napakabigat ng pakiramdam ko.
Nung makita kong dumudugo
na ang balikat ni Luna nasaktan
ako ng sobra.Nagsisisi na tuloy
ako sa sa iba na lang kaming
lugar naghintayan.

Pakiramdam ko lumalayo sa
akin si Luna.Pakiramdam ko
ako ang sinisisi nya sa mga
nangyari.Nung makita ko lang
na sumama sya kay Shaun
nasaktan ako tapos sa akin
umiling sya.

Kung alam mo lang!Ayaw kitang
madamay dito!Sorry Luna!

Tumigil na ako sa pagsuntok
sa puno dahil sa pagod.
Naramdaman ko ang hapdi
ng kamao ko.Huminga ako ng
malalim at tumingin sa langit.

Mukha ni Luna ang nakikita ko
ang sarap sa pakiramdam na
makita ko ang mukha nya.
Mayamaya lang ay may humintong
sasaksyan sa tabi ko.

Inayos ko ang sarili ko at tinignan
ang kotse.Kainis lang dahil
nasilaw ako sa ilaw ng kotse nya.

"Ano ba!"sigaw ko kung sino
man sya.

"Sorry!"sigaw din nya.

Babae ang boses na 'yun at hindi
na ako magtataka kung si
Katherine 'yun.Pamilyar kasi
ang kotse nya.Ng makababa sya
ay agad na lumapit sa akin.

Si Katherine nga!

"Ano ginagawa mo dito?"
Inis na tanong ko sa kanya.

Huminto sya malapit sa akin
at tinignan ang kabuuan ko.
"Nabalitaan ko kasi yung sa
inyo ni Aldri---"

"Huwag mo ng banggitin pa
yung panggalan ng GAGONG
'yun!"pagputol ko sa sinabi nya.

"Sorry."Sabi nya at saka yumuko.

Sandaling katahimikan ang
nangibabaw sa aming dalawa.
Ayokong banggitin pa nya ang
panggalan ng lalaking 'yun.

Tinignan ko sya at para syang
batang nakayuko.Naiinis ako
sa sitwasyon nya para syang
tangang nakatayo.

"Ano bang ginagawa mo dito?"
Tanong ko ulit pero ayaw
kumalma ng sarili ko.

"Gagamutin ko ang sugat mo."
Sabi nya at saka tumingin sa akin.

"Hindi na."mahinang sabi ko.

"Pero ang dami mong sugat."
Nag-aalala ang tono nya.

"Hindi ko kailangan... Umalis
ka na."pinapakalama ko ang
sarili ko.

"Max! Please naman oh!"
Seryoso syang nakatingin sa akin.
Mababakas mo ang pag-aalala sa
mukha.

"Umalis ka na Katherine!"
Nagsisimula na akong mawalan
ng pasensya.

"Max ang dami mong sugat!
Please gagamutin lang kita!"
Naiinis na rin sya sa akin pero
mas naiinis ako.

"Hindi ka ba makaintindi!"
Sigaw ko sa kanya.

Nabigla naman sya sa ginawa ko.
"I'm trying to help you,Max."
Mahinang sabi nya.

"I don't need your help!"
Nag-iwas na ako ng tingin.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now