CHAPTER 45

0 1 0
                                    

DANIEL'S POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Maxprime at umaasang makikita si Sandra.Kaninang tanghali ko lang nalaman ang nangyari sa kanya kanina kaya naman gusto ko syang puntahan.

Nakarating na ako ng bench pero wala sya 'dun.Hanggang sa mapunta ako sa likod ng Maxprime.Nadaanan ko na ang tambakan ng mga bote at saka nagdirediretso.

Hanggang sa marating ko na ang fish pond ng Maxprime.At halos pumalakpak na ako sa tuwa ng makita sya dun nakatalikod lang sya sa akin.Alam kong nakatulala nanaman sya na lagi nyang ginagawa.
Maliit lang ang fish pond dito sa Maxprime pero medyo malinis naman ang tubig.

Tumabi ako sa pagkakaupo nya, nung una napatingin sya sa akin pero tumingin lang ulit sya sa tabon.

"I didn't expect to see you here?"
Panimula ko.

"Me too."Ang tanging naging sagot nya sa akin.

Napatawa nalang ako sa sagot nya.
"Bakit ka nandito?"tanong ko at saka tinignan sya.

"Ikaw bakit ka nandito?"tumingin na rin sya sa akin.

Nagtama ang paningin namin ngumiti ako sa kanya."Hinahanap kita kanina pa."

Napataas naman ang kilay nya.
"Bakit?"

"I heard about what happened to you and Jamile girlfriend of Joshua."

Umiwas na sya ng tingin sa akin at saka binalik ulit ang paningin sa pond."May pagkatsismoso ka pala."

Natawa ako ng bahagya."Naikwento sa akin ni Mira Jane."kumuha ako ng bato saka binalibag 'yun.

"Bakit ka nandito di pa tayo ayos ah?"

Napatingin ako sa kanya."I'm sorry."
Nakayuko kong sabi.

"Hindi mo kasi dapat sila dinadamay sa init ng ulo mo!"

Tama!

"Sorry Sandra ah!Nakapag-sory nadin ako sa mga kasamahan ko.
Tama ka hindi ko dapat sila dinamay sa init ng ulo ko."
Nakayukong sabi ko.

"Mahalaga nakapag-sorry ka."
Sabi nya at saka tumingin sa akin wala mang emosyon ang mukha nya.

Kapag si Sandra ang nakakasama ko pakiramdam ko laging magaan ang loob ko.Kaya nagpapasalamat ako kasi nakita ko sya ngayon.

"Kaso nga lang di lahat nakukuha sa sorry.Kailangan mo munang patunayan sa kanila na nagsisisi ka na talaga bago ka mapatawad."
Tumingin ulit sya sa pond."Meron namang taong mapagpatawad agad at ang suwerte mo kung makikilala mo yung tao na 'yun!"Meron din naman sobrang tagal bago magpatawad at 'yun ang mahirap na magawan mo sya ng mali."

"Alin ka 'dun mapagpatawad agad o matagal bago magpatawad?"
Tanong ko sa kanya.

Sandali syang hindi kumibo magsasalita na sana ako pero kumibo na sya."It depends!Depende sa nagawa nilang kasalanan sa akin.
Mapapatawad ko sila kung hindi naman ganun kasakit yung ginawa nila.Pero may taong sobrang tagal bago ko patawarin!"kumuha sya ng bato tapos hinagis din 'yun.

"Meron bang nakagawa ng kasalanan sayo na hanggang ngayon di mo pa pinapatawad?"
Mahinang tanong ko sa kanya.

Hinintay ko ang sagot nya pero di sya nagsalita.Maling tanong ang natanong ko sa kanya siguro merong tao na hindi pa nya pinapatawad.Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa tinanong 'yun.

Let the Love change youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt