CHAPTER 25

0 1 0
                                    

KEITH'S POV

Sabado

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast namin ni Sandra.
Pumunta ako sa kusina namin at
nagulat ako ng makitang nahugasan
na ang mga plato.Pumunta ako
sa lamesa para tignan ang ulam
ngunit nanlumo ako ng makitang
hindi nabawasan 'yun.

Ibig sabihin naghugas sya ng plato
pero di kumain?

Papasok na sana ako sa kwarto ng
maalala yung nangyari kahapon.
Alam kong umiyak muna sya
bago pumunta dito.Gustuhin ko
mang tanungin sya ngayon pero
baka wala sya sa mood.

Ilang oras ang lumipas at nagpasya
na akong pasukin ang kwarto namin.
Nakabalik na kasi ako galing sa laundry shop pero hindi parin
sya lumalabas sa kwarto.

Ng tuluyan kong mabuksan ang kwarto ay dumiretso ako sa kama
nya.Nakatalukbong sya ng kumot.
Lumapit ako sa kanya at inuga-uga.

"Sandra,Sandra,wake up."
Sabi ko sa kanya.

Tinanggal nya ang talukbong nya
at saka nagmulat ng mata.
"Keith."maayos na ang mukha nya.
Hindi katulad ng kahapon.

"Let's eat."anyaya ko sa kanya.

"Susunod na lang ako."
Sabi nya at saka pumunta sa Cr.

Ako naman ay lumabas at naghanda
ngbpagkain namin.Ilang minuto
ang lumipas ng makalabas sya ng
Cr.Naupo na ako agad ganun din
naman sya.

"Pinalaundry ko na rin yung
sayo."Sabi ko.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun."

"E paano tanghali ka na kaya."

"Nasarap lang sa tulog."
Sabi nya saka naghikab.

"Bakit hindi ka kumain kagabi?"
Tanong ko sa kanya bago sumubo.

"Wala akong gana."
Sagot nya sa akin habang nakatingin sa hotdogs.

"Ano ba nangyari sayo kahapon?"

Ayan na!Hindi mo nanaman
napigilan yang sarili mo Keith.

"Sabi ko naman sayo wala."
Sabi nya saka sumubo.

"Don't tease me,Sandra."
Diretso akong nakatingin sa kanya.

Tinignan naman nya ako at ayun
ang seryoso nyang mukha.
"May nangyari lang.Pero ayos
na."

"Sus!Bakit ka umiyak?"
Tanong ko ulit.

Bumuntong-hininga pa sya na
parang nawawalan na ng pasensya.
"Kasi may nakaaway ako."

"Oh!Sino?"

"Huwag mo ng itanong ."

Ay sungit!

"Ayaw mo bang malaman ko?"
Ganyan talaga ako makulit.

"Oo."maikling sagot nya.

"Wala ka ba sa mood?"

"Oo."

"Hindi naman kayo nagkasakitan
ng kaaway mo?"

"Oo."

Oo lang.Oo lang ang kaya nyang ibigay na sagot sayo.

"Maganda ba ako?"
Nakangiting tanong ko.

Hindi sya sumagot at nagpatuloy
lang sa pagkain.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now