CHAPTER 23

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Ng makaalis na ako sa bench
ay nakita ko si Daniel na naglilinis
at pawisan na 'rin kaya tumulong na
ako.Tuwang-tuwa ang mga kasamahan ni Daniel sa akin.
Ngayon na lang daw kasi ulit
nagkaroon ng students na tumulong sa kanila.

Pagkatapos naming maglinis ay
may nakahanda ng merienda.
May biscuits at tubig pero tubig
lang ang kinuha ko.

Papaalis na sana ako ng makita
ko ang grupo ni Max.
Nakatingin sa akin si Max at
tinignan ko naman ang mga kasama
nya.Ang ibang kasamahan naman
nya ay nakangiti sa akin.
Pinagkunutan ko naman sila ng noo.

Anong meron dito?

Hindi ko na sila pinansin pa
at tinignan ko na lang si Daniel.
Nakatingin sya sa akin.

"Mauuna na ako Daniel."
Pagpapaalam ko.

"Take care."
Nakangiting sabi nya.

Hahakbang na sana ako kaso
lang ay humarang sa daan ko si
Max.Tinignan ko sya at nakangiti
sya sa akin.Tinignan ko rin ang
hawak nya pero agad ko ring
tinuon sa mukha nya ang paningin
ko.Nakipagtitigan sya sa akin at
walang namutawing ingay sa aming
dalawa.

Putengenemen!Ano to titigan?

Hindi ko natagalan ang titigan
namin.Ako din ang sumuko.
"What?"tanong ko sa kanya.

"For you."Sabi nya at inabot
sa akin ang kahon ng cake.

"Ano yan?

"Cake?"patanong na sabi nya.

Nainis naman ako."I mean bakit
may ganyan?"

"Gusto ko lang."Sabi nya sabay
abot ng cake sa akin.

Tinignan ko lang 'yun.
"Sayo na lang."
Sabi ko at akmang aalis pero nahawakan nya ako sa braso.

"Wait...Luna.Ayaw mo ba?"
Tanong ni Max.

Nabawi ko naman ang braso ko sa
kanya."Sa inyo na lang,Max."
Sabi ko at saka tinignan ang
mga kasama nya.

"Bakit ayaw mo ba?"
Pilit ang ngiti ni Max.

"Hindi ko kasi alam kung bakit
kailangan mo akong bigyan nyan?"
Sabi ko at saka sinulyapan ang cake.

"Baka kasi iniisip mo na galit
ako sayo nung huli nating
pagkikita."

"Sabi mo naman hindi ka
galit diba?"tanong ko.

Tumango naman sya sa akin.
"Naisip ko lang."

"Max.No need."
Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Bakit ba ayaw mong kunin?"
Tanong ni Gung.Oo sya ngayon
natatandaan ko ng tinawag sya ni
Max.Sya din yung nakasagutan ko.

Hinarap ko sya."Gusto mo sayo
nalang."Pag-aalok ko.

"Hindi madami akong pera,
Kaya kong bumili.E, ikaw ba?"
Mayabang na sabi nya.

Nainsulto ako sa sinabi nya.
"Ang yabang mo naman."
Sabi ko pero sa isang banda
nainsulto ako sa sinabi nya.

"Mas mayabang ka.Binibigyan
ka na nga ayaw mo pang tanggapin.
Siguro pag-alis namin magsisisi
ka. Sana pala tinanggap ko
na lang yung binigay ni Max
sayang naman- "

Hindi natapos ni Gung ang sasabihin
ng bigla ay suntukin sya ni Daniel.
Tinignan ko pa si Daniel at ayun
ang galit sa mukha nya.

"Babae 'yan.Irespeto mo naman."
Nag-uutos ang tono ni Daniel.

"Ha!Malay ko ba kung timawa
pala yan!"sabay turo sa akin.

Mabilis na nanggilid ang luha ko.
Hindi ko napigilan dahil
naiinsulto ako sa sinabi nya.
Pakiramdam ko napahiya ako.
Tuloy ay pinagsisihan ko ang
sinabi ko kay Max na dapat pala
ay tinanggap ko na lang para di na
umabot sa ganito.

Mayamaya lang ay tuluyan ng
bumagsak ang luha ko.
Pinunasan ko pa 'yun bago sila tuluyang nilayasan.Ngunit nakakailang hakbang palang ako
ng humarang sa akin si Max.

Nanghihingi ng pasensya ang mukha nya."Luna.I'm sorry."

Hindi ko sya pinansin pa at tuluyang
nilisan ang lugar na 'yun.
Hanggang ngayon ay tumutulo
pa rin ang luha ko.Nagdirediretso
lang ako sa paglalakad.Tinatahak ang
dorm.Ngunit sa paglakad ko na
'yun ay hindi ko napansin ang
tatlong lalaki sa harap ko.

Tinignan ko pa sila at laking gulat
ko ng makita na isa si Shaun sa
mga 'yun.Ang dalawa ay hindi ko
kilala.

"Sandra."Ang tanging nasabi ni
Shaun.

Ngunit sa halip na pansinin ay
nagdirediretso na lang ako sa
paglalakad papunta sa dorm.
Gusto kong humiga at magpahinga
na lang.Masyadong masakit ang
mga salitang binitawan ni Gung.
Napahiya din ako sa myembro ni
Max,sa mga kasamahan ni Daniel at si
Daniel.Syempre,si Max.

Pagkarating ko sa dorm ay tumambad ang mukha ni Keith akin.
"What happened?"nag-aalalang tanong nya.

"Wala."sagot ko.

"Okay ka lang ba?"tanong nya ulit.

"Ayos lang ako."
Walang ganang sagot ko.

"Sabihin mo nga sa akin.Ano ba
nangyari?"

"Nothing."Sabi ko saka mabilis na
pumasok sa kwarto.

Humiga na lang ako.Pakiramdam
ko ay nawalan ako ng gana sa mga
sinabi ni Gung.Pinahiya nya ako
at hindi ko 'yun matanggap.
Nakakainsulto.

Tangina mo,Gung!

Let the Love change youOnde histórias criam vida. Descubra agora