CHAPTER 24

0 0 0
                                    

MAX'S POV

Tinanaw ko pa si Luna bago sya tuluyang makaalis.Wala akong
nagawa para pigilan sya alam
ko kasing nainsulto sya sa sinabi
ni Gung.

Ng makaalis si Sandra ay hinarap
ko ang mga kasama ko.Binigyan
ko sila ng masamang tingin.
Nagbaba naman sila ng tingin.
Tinignan ko din si Gung na nakayuko na.

Hindi ko alam kung ano ang
magagawa ko kay Gung.Pero sana
naman ay wala dahil ayoko rin
na masaktan sya.Pero sa tuwing
maiisip ko ang ginawa nya di ko
mapigilang hindi mag-init ang ulo.

Lahat ng mga kasama ko ay nakayuko.
Wala ni isa man sa kanila ang
nakatingin sa akin ng diretso.
Gustong-gusto kong pigilan ang
sarili ko dahil ayokong makapanakit.
Imbis na pansinin sila ay nagpasya
na lang ako na bumalik sa dorm.
Ngunit sya ang lumalapit sa
disgrasya nya.

"Boss."tawag sa akin ni Gung.

Bumuntong-hininga pa ako bago
sya hinarap."Ano!"Hindi ko
napigilan ang sarili ko na hindi
magtaas ng boses.

"Pasensya na."
Mahinang sabi ni Gung.Alam kong
natatakot na sya.

"Gago!Gago ka kasi!"
Sigaw ko sa kanya galit na talaga
ako.

"Nainis lang kasi ako ,boss."
Paliwanag nya pero kahit
magpaliwanag pa sya ay hindi
'nun mawawala ang galit ko.

"At bakit ka naman nainis?"
Galit na tanong ko sa kanya.

"Ayaw nya kasing tanggapin,boss."

"Labas ka na 'dun!"
Sigaw ko sa kanya.

"Kaso nga boss,para namang
nakakainsulto sayo 'yun!"

"Hinihingi ko ba opinyon mo?
Ha?Hinihingi ko ba?"
Nangigil talaga ako.

"Ang arte nya kasi,boss.Hindi
naman sya maganda-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin
nya dahil binira ko na sya.
"Gago!"sigaw ko sa kanya.

Tumumba si Gung sa malakas
kong pagkakasuntok sa kanya.
Tinulugan naman sya ng mga
kasamahan namin.

"Boss,Tama na."si Du.

"Manahimik ka!"sigaw ko sa kanya
dahilan para mapaatras sya.

"Boss naman."si Gung na nagpunas
pa ng labi.

"Sa tingin mo ba hindi sya nainsulto sa mga sinabi mo?"
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.

"Pasensya na talaga,boss."
Humihingi ng tawad ang tono nya.

"Pasensya!Ano magagawa nyan?"

"Hihingi na lang ako ng tawad,boss."

Tinignan ko sya at sobrang yuko
ang mukha nya.Hindi makatingin
sa akin ng diretso."Dapat lang."

"Ikaw naman kasi Gung.
Babae 'yun papatulan mo pa."
Si Joshua tinignan ko lang
sya dahil ayoko ng makapanakit.

"Manghihingi na nga ng tawad diba?"si Gung at ayun nanaman
ang mga salita nyang napipilitan.
Kung hindi ako galit ngayon
tiyak akong hindi nya gagawin
'yun.

"Sa susunod kasi Gung,'Wag kang
sumabat.Isa pa babae 'yun
karaniwan sa babae mababa
ang luha."nangangaral ang tinig
ni Joshua.

Let the Love change youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt