CHAPTER 48

0 1 0
                                    

SANDRA'S POV

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng dorm namin.Naunang lumabas si Keith sa pinto at hinihintay na ako.

"Ready?"tanong nya sa akin.

Nilingon ko naman sya."Para namang may ginawa akong kasalanan?"Natatawang tanong ko sa kanya tumawa rin sya.

Nagsimula na kaming maglakad at maayos narin ang mga estudyante ngayon ng Maxprime.Parang walang nangyari.

Pagkarating ko sa room tahimik na ang mga kaklase ko pero hindi na rin ako ang topic nila.

Break time...

Pumila na kami sa line at laking pasasalamat ko dahil para lang rin walang nangyari.Tahimik lang ang mga estudyante.

Pagkabili namin bumalik na kami sa table.Ng makaupo na kami ay pumasok na ang Python.

"Luna!"malakas na tawag ny
sa akin  ni Max dahilan para mapatingin sa kanya ang mga estudyante.

Nagpatay malisya nalang ako.Kunwari di ko sya kilala.Kumain na lang ako.

"Hi Luna!"nakangiting bati nya sa akin.

"Hello!"nalang ang nasabi ko.

"Buti naman pumasok ka na!"
Nakangiting sabi nya.

Nahawa tuloy ako."Sabi ko naman sayo!"

"Hi Keith!"bati nya kay Keith.Pero pakiramdam ko may iba sa pagbati nya na ewan!

"H-Hi!"nahihiyang sabi ni Keith.

"Punta na ako sa table,Luna!"

Pinipigilan ba kita?

"Pumunta ka!"

Nakita ko pa ang pag-iling nya na may kasamang tawa.

Lunch  break...

"How's your suitor?"tanong ko kay Keith.

Tinignan naman nya ako na parang nagulat pa sa tanong ko."H-Ha?
A-Ayos naman kami...bakit?"

"I noticed that every night  your smiling while your typing in your phone!"nakangiting sabi ko sa kanya yung nang-aasar.

"Paano kasi pinapakilig ako!"
Nahihiyang sabi nya.

Adobo ang in-order naming ulam ni Keith ngayon.At nag-simula na rin kaming kumain hanggang sa...

"I'm sorry Sandra!"gulat akong napalingon sa gilid ko ng may lumuhod sa harapan ko.

Nanlaki ang mata ko ng marealize kung sino'yun.Si Jamile.
Napatayo ako at tinignan sya agad   ding pinagtinginan ng mga estudyante si Jamile.

"I'm sorry...I'm sorry...I'm sorry Sandra!"naiiyak na sabi nya habang yumuyuko pa sa harapan ko animo'y sinasamba ako.

Tinignan ko lang sya habang patuloy sa pagyuko.Mayamaya ay may pumatak ng luha sa kanya.Binigyan ko lang sya ng walang kwentang tingin.Para kasi sa akin 'ginawa mo tapos manghihingi ka ng sorry'

"F-Forgive me...Sandra!I'm sorry...
I'm sorry...P-Please.I'm sorry!"
At tuluyan ng nagtuluan ang mga luha nya.

"Sandra!"tawag sa akin ni Keith ng mapansing wala akong ginagawa kundi tignan lang si Jamile.

Bumuntong hininga na lang ako ng malalim."Tumayo ka na dyan!"
Utos ko sa kanya.

Tumayo sya at nagpunas ng luha nakangiti syang tumingin sa akin.
"I'm sorry!"diretso syang nakatingin sa akin."I'll do anything for you to forgive me!"

Let the Love change youWhere stories live. Discover now