CHAPTER 33

0 0 0
                                    

SHAUN'S POV

Gustong-gusto kong magmura.
Manuntok ng tao lalo na si
Max at Aldrin.Gustong-gusto
kong basagin ang pagmumukha
nila.Nakakagigil dahi nahuli
ako ng dating.

Ang daming nadamay na estudyante
kaya naman naghuhumiyaw ang
loob ko ng galit.Galit na gusto
kong ilabas.Nakakainis dahil
kung dumating ako ng maaga
baka walang nadamay.

At ang mas kinagagalit ko ay
hindi ko napaprotektahan ang
taong mahalaga sa akin.Pinangako
ko sa sarili ko na wala ng
makakapanakit sa kanya pero
ngayon may saksak sya sa balikat.

Kung pwede ko lang basagin ang
pagmumukha nung lalaking
gumawa 'nun kay Sandra ginawa
ko.Ngunit mas inintindi ko ang
mga nadamay.

Kanina pa nakayukom ang kamao
ko at wag ko lang talagang
makikita ang pagmumukha ni
Aldrin at Max at hindi ako
magdadalawang isip na suntukin
sila.

Ilang minuto na rin akong
naghihintay sa labas ng kwarto
ng mga ginagamot na estudyante.
Marami sila at nahirapan ang
mga nurse na i-assist sila.

Habang nakatayo ako ay bigla
nalang bumukas ang pinto.
Inayos ko ang pagkakatayo at
hinarap ang nurse.

"Kamusta na po sila."
Agad kong sabi sa kanya.

"Maayos na ang lahat...Nagamot
na sila.Pwede mo na silang
puntahan."Sabi ng Nurse at
ngumiti sa akin ngumiti din
sya sa akin.

Bumuntong-hininga pa ako
bago pihitin ang door knob.
Hindi ito ang unang beses na
may nadamay na estudyante
pero sa mga nakaraan ngayon
ang may pinakamadaming
nasugatan.

Ng tuluyan akong makapaso
ay hinanap ng mata ko si Sandra.
Nakaupo sya sa single bed at
nakatingin lang sa balikat.

Bakit ba naman kasi nadamay ka
pa?

"Major!"bati sa akin ng mga
nasugatan.

Ngumiti naman ako sa kanila
sandali ko pang tinignan si
Sandra at nakatingin na din
sya sa akin pero wala kang
mababasang reaksyon.

Agad akong lumapit sa mga
estudyante."Pasensya na kung
nahuli ako ng dating."
Pagpapaumanhin ko.

"Wala 'yun Major."

"Kasalanan ng mga bolts to!"

"Oo nga kung hindi sila
nagdala ng kutsilyo!"

"Pati rin naman sila Max!"

Kanya kanya sila ng sabi ng
mga hinanaing nila.
"Pasensya na talaga."
Sabi ko ulit.

"Ayos lang Major!"

"Wag mo kaming alalahanin
Major."

Tinignan ko sila isa-isa at may
mga nagtamo ng gasgas sa mukha
sa braso .May mga duguan ang
Uniform.Tinignan ko ulit si
Sandra pero sa paa na nya
sya nakatingin.

"Sya lang ata ang nasaksak
sa ating lahat."Sabi ng isang
babae at tinuro si Sandra.

Shit!

Nilapitan ko na si Sandra at
tinignan ang sugat nya.
May gauze ito at pinilit
na sirain ang sleeve ng
uniform nya.

"Let's go."aya ko sa kanya.

Tumayo sya at inalalayan ko.
"Salamat."Sabi nya at tumango
ako.

Sandali pa akong nagpaalam
sa ibang estudyante 'dun .Ako
na rin ang nagbayad ng bills
nila.Papunta na kami ngayon
ni Sandra sa parking.Hindi ko
maiwasang hindi sya tignan.
Ayoko ng ganitong pakiramdam
sana ako nalang ang nasaksak at
hindi sya.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now