CHAPTER 5

0 1 0
                                    


Sandra's PoV

Martes

Tanghali na akong nagising dahil napasarap ang tulog ko.Sa hindi inaasahan tinignan ko ang orasan at TANGHALI NA! Mabilis akong bumangon sa kama at  nagmamadaling lumabas ng kwarto papuntang Cr.Pagpunta ko sa kusina ay may nakahanda ng pagkain sa lamesa.Wala na rin si Keith dahil nagsabi sya na  maaga sya ngayon. Hindi ko na nakuhang kumain dahil 10 minuto na lang mag-uumpisa na ang klase.Mabilis akong lumabas ng dorm at nagtatakbo papunta sa building.Ng makarating ako doon ay may 3 minuto pa bago mag-simula ang klase.

Krurururuk

O tunog ng tyan ko yan habang may klase kami.

Break time...

Nagmamadali akong pumunta sa canteen dahil naglalaway na ako sa gutom.Gutom na gutom na ako at nahihilo pa.Gustong gusto kp na talagang kumain.Ngunit sa paglalakad ko ay parang unti-unting nanghihina ang katawan ko.

At BAAG

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nagyari....

Minulat ko ang katawan ko at ngayon ay nasa isang silid ako.Ramdam ko pa rin ang panghihina.Ngunit ng lumingon ako sa pinto ay may lalaking nakatayo.Kaya naman umayos ako ng upo.

"Sa susunod kumain ka na dahil walang magbubuhat sayo pag nagcollapse ka dyan."  Aniya tsaka tuluyang umalis.

Mabilis naman akong tumayo sa kama.Kahit nanghihina ay pilit akong tumayo.Tatakbo na sana ako ng may makitang pagkain sa maliit na table.

Sakin ba ito?Sakin na lang...

Kinuha ko yun at mabilis na nagtatakbo palabas.Kinain ko rin yun habang tumatakbo.Nagmamadali akong pumunta sa building at pinagtitinginan ako ng mga students. Hanggang sa marating ko ang room namin at naghahabol ako ng hininga. Hingal na hingal ako kaya naman uminom muna ko bago kumatok.

"Ms.Luna,Why are you late?"Kunot noong tanong ng Prof namin."You are 15 minutes late." Sabi nya na tumingin pa sa relo nagbaba naman ako ng tingin."Where  have you been?"

"I'm sorry Prof,dinala po kasi ako sa clinic."Sabi ko at umayos naman ang mukha nya.

"Go to your seat."utos nya na agad ko din namang sinunod.

Pinagtitinginan ako ng mga classmate ko at nakakahiya 'yun.Hanggang sa magsimula  ng magturo ang Prof namin.

Lunch time

Mabilis akong pumuntavsa Canteen. Tanaw ko na rin si Keith na  NAKANGITI.

Ano nginingiti ngiti mo dyan?

Ng makalapit ako sa kanya ay di parin nagbago ang hitsura nya.Hindi ko na sya pinansin at umupo na lang.

"In-order na kita." Sabi nya na nakangiti parin.

"Thanks." Maikli kong sagot.

Nagsimula na kaming kumain ng magsalita na naman sya.Hindi ko 'yun maintindihan.Maingay kasi ang paligid.Iniisip ko rin yung lalaki na nagsalita kanina.

Sya ba ang nagdala sakin dun?Sino ba sya ? Nakakahiya, Waaaaaaaaaah....... Bumagsak ako sa harapan nya.

Naalala ko ang nangyari...

"Hoy! Sandra."

"A-Ano?"

"Sabi ko kwentuhan mo naman ako." Nakangiti parin sya.

Ano bang nangyari sa kanya?

"Ng ano?" Tanong ko.

"Hshs ,nung sa inyo ni Major."

"Ni A-Ano?"gulat na tanong ko

"Pabuhat buhat pang eksena ,eh!"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Yung binuhat ka ni Major nung nagcollapse ka,Taray!"

"Siya ang bumuhat sa akin?"

"Malamang nakita ko kasi kayong dalaw-."

Hindi nagawang tapusin ni Keith ang sasabihin nya ng may narinig kaming kalabog.Tumingin ako sa pinagmulan ng ingay na 'yun at kayla Max nagmula 'yun.Nagsipagtayuan ang grupo nila Max at sya naman ay nakaupo . Hanggang sa daklutin ni Shaun si Max sa kwelyo. Saka nagsalita.

"Lakas din ng sayad mo no?" Gigil na sabi ni Shaun.

"Pero mas malakas ang sayad mo. Tanggap ko yung sayad ko Shaun,E ikaw?"

" 'Wag mo akong igaya sayo.I have an highest rank than you."

Nagpaalam na ako kay Keith na mauuna .
Hanggang 'dun lang ang narinig ko sa usapan nila dahil umalis na ako.Mabilis akong pumunta sa pinto at ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang nasa harap ko.

Shaun?

Titig na titig sya sa akin at parang pinag-aaralan ang mukha ko. Nangunot ang noo ko dahil sa ginagawa nya.

What are you staring at?

Gusto ko syang  tanungin pero wala akong lakas ng loob.Tinalikuran ko sya at mabilis na naglakad.

Oo alam ko na .Ikaw ang nagdala sa akin sa clinic...Bakit kailangan pang titigan?

Aral

Aral

Aral

Dismissal

RINGGGGGGG

Pagkaalis ko sa building ay nagpasya muna akong pumunta sa mga bench. May isang bench na pumukaw ng tingin ko.Kakaiba sya para sa akin, bukod doon ay may puno ng Narra sa itaas nya.Umupo ako dun at tumitig sa  mga estudyante na naglalakad.

Let the Love change youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें