CHAPTER 15

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Miyerkules

Lunch break...

Papunta na ako sa Canteen at nagmamadali dahil nagugutom na rin ako.Late na rin kasi ng magpalabas si Prof.

Kanina pa siguro ako hinihintay ni Keith?

Nagtext na lang ako kay Keith na wag na akong hintayin.Matapos noon ay nagpatuloy ako sa paglalakad.Tirik ang araw at sobrang init.Sa di sinasadya nalaglag ko ang mga paperwork's ko kaya bago 'yun napakamot pa ako sa tenga ko.Tinignan ko na lang ang mga paperwork's ko na nagkalat na kaya nagmadali ako na pulutin 'yun.

Ramdam ko rin na pinagtitinginan na ako ng mga students kaya minadali ko na ang pagpupulot.Ng matapos ako sa pagpupulot ay agad din akong tumayo.Inayos ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at inipit 'yun sa tenga.Ngunit nakaramdam ako ng kaba ng mahawakan ko ang tenga ko.Nawala ang hikaw ko kinapa ko pa ulit ang tenga ko pero wala na talaga.Nasa Bermuda grass ako ngayon at hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.

"Nasan ba 'yung hikaw na 'yun?" Bulong ko sa sarili ko.

Hinanap ng mga mata ko ang hikaw pero wala pa rin akong nakikita. Yumuko na ako para makita at lilinga linga sa lahat ng Bermuda grass. Hanggang sa makita ko ang pakaw. Sunod na hinanap ko ang hikaw pero kung saan saan ako tumingin wala pa rin.Tatayo na sana ako para tumingin pa sa ibang pwesto ng may makita akong paa.Tinignan ko iyon hanggang sa makita ko mukha nya.Nakatingin sya sa akin at seryoso ang mukha. Tinignan ko pa ang daan dahil baka nakaharang ako sa daan pero maluwang kaya pwede naman syang dumaan sa iba.Nakatingin parin sya sa akin at seryoso talaga ang mukha.

Si Shaun

Tumayo na ako at hinarap ang titig nya.Nakatingin lang sya sa akin at nag-iwas naman ako ng tingin dahil pakiramdam ko ang patalim ang titig nya.

"Hindi ka pa naglulunch?" Seryosong tanong nya.

"Hindi pa."Walang gana kong sagot at saka tumingin ulit sa Bermuda.

"Oh!"Abot nya sa akin ng HIKAW ko.

Nagulat ako dahil di ko alam kung paano napunta 'yun sa kanya. Kinuha ko agad 'yun at saka sinuot.

"Maglunch ka na."Seryoso parin si Shaun.

"A!E!Sige."Sabi ko sabay talikod pero nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko.

"With me."Sabi nya at hinila ako papunta sa Canteen.

Matalim ang tingin sa akin ng mga estudyante na babae.May mga nagbubulungan at ang sasama talaga ng titig kung nakakamatay lang ang titig nila kanina pa ako patay.Ng dahil 'dun ay binawi ko ang braso ko na kinagulat naman nya.

"What's the problem?"Seryoso pa rin sya.

"Wala."Sabi ko at saka mabilis na naglakad .

Ng marating namin ang Canteen ay wala na 'dun si Keith 30 minutes na lang ang bakante ko at may pasok nanaman.Tinignan ko ang table at may notes 'dun  na nakadikit.

Hihintayin sana kita, Kaso may gagawin din ako.Eat well!

Napangiti na lang ako sa notes na 'yun kinuha ko iyon at pinasok sa bag. Si Shaun naman ay nakatingin din kanina sa notes na binabasa ko at ngayon sa line sya nakatingin.Aalis na sana ako pero nagsalita sya.

" 'San ka pupunta?"nilingon ko sya at seryoso pa rin.

"E di oorder."

"Ako na."

"Libre mo?"tanong ko at tumango naman sya.Saka naglakad papunta sa line.

Umupo na lang ako at hinihintay na lang sya .Hanggang sa makarating na sya at binaba ang order at gulat ko ng pangakin lang ang binili nya.

"Paano ikaw?"

"Kumain na ako ,kumain ka na." Seryoso parin sya hanggang ngayon.

Kinuha ko na lang ang binili nya beef steak at mineral ang binili nya sa akin.Habang sumusubo ay nakatingin sya sa akin at seryoso pa rin.Binaba ko ang kutsara at tinidor saka tumingin sa kanya.Sinalubong naman nya ang tigin ko.

"May problema ba?"Inis na tanong ko.

"Wala kumain ka na lang."

Bumuntong-hininga na lang ako at saka nagtuloy sa pagsubo.Ninamnam ko na lang 'yun at hindi ko na pinansin si Shaun.

"Ano ginagawa mo 'dun kanina?" tanong ko saka uminom.

"Nakita kita nung nalaglag yung mga papers mo."

"Thank you ."

"For what?"

"Kasi nakita mo yung hikaw ko tapos nilibre mo pa ako.THANK YOU."

"You're welcome."

"Okay ka lang ba?"

"Kumain ka sa susunod, hikaw lang iyon pwede kang bumili ng bago .Kung hindi ko 'yun nakita hindi ka pa maglulunch."

A kaya pala seryoso ...Pero bakit sya seryoso ?

"Mahalaga kasi sa akin 'yun." walang gana kong sagot.

"Bakit?"

"Bigay sa akin ng highschool friend ko 'yun."

"Who?"

Bakit parang interesado naman sa akin 'to?

"Si Janelle.Sya ang nagbigay sa akin nito nung birthday ko."

"Kailan ba birthday mo?"

"January 12."

Hanggang 'dun lang at saka ulit ako sumubo . Nakatingin parin sya sa akin.Hindi ko na sya pinansin pa at mabilis na lang na kumain dahil ilang minuto na lang ang meron ako. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako.

"Salamat ulit."

"You're welcome, again."Nakangiti na sya at nakahinga na ako ng maluwag dahil para akong papatayin ng mga tingin nya ."I'm leaving." Sabi nya at tumango naman ako.

Tinignan ko na lang sya hanggang sa makaalis.Umalis na rin ako at saka pumunta sa building namin.

Let the Love change youМесто, где живут истории. Откройте их для себя