CHAPTER 57

0 1 0
                                    

Habang nagkukuwento ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Pinipilit kong 'wag ipakita kay Shaun na umiiyak ako,pero di ko mapigilan!

Bigla syang humarap sa akin at pinunasan ang luha ko.

"It's okay!Huwag mo ng ituloy!"
Sabi nya habang pinupunasan ang luha ko.

"No!I have to end this damn past!"
Kinuha ko sa kaniya ang panyo at ako na ang nagpunas.

"Okay!"Sabi nya,pero nagulat ako ng matapos nyang sabihin 'yun!
Hinawakan nya ang ulo ko at pinatong sa balikat nya!

Bango!!!

Amoy Shaun!Ang bango nya!Hindi na ako umangal pa at nanatili na lang akong ganun.

***

Valentine's day...

Celebration?Bakit ako nagluluksa?
Bakit ako nasaktan?Bakit hindi ako masaya?

Pagkatapos ng sinabi sa akin ni Xander na hindi na nya ako gusto.
Umuwi na ako,kahit pa nag-sorry yung mga kaibigan ko.Nagkulong lang ako sa kwarto!

Ng bandang gabi na, iniisip ko na baka niloloko lang ako ni Xander.
Na tataeag sya sa akin at hindi totoo lahat ng sinabi nya,pero di nangyari 'yun!

Pagkalabas ko ng kuwarto, dumiretso na ako sa kusina at umupo.

"Sandra,bakit ang aga mo umuwi kanina?"tanong sa akin ni Mama.

Napatingin sa akin si Papa pati na rin si Kuya.

"Ma!Ano gagawin ko 'dun?TATANGA!"inis na sabi ko.

"SANDRA!Yang bibig mo!"banta sa akin ni Papa!

"Bakit ano bang nangyari?"
Tanong sa akin ni Kuya!Dalawa kaming magkapatid.

"Wala na kami ni Xander!"
Bwisit!Parang maiiyak na naman ako.

Napatahimik naman si Mama at Papa
at si Kuya naman...

"Hahahahaha!S-Sabi na nga ba...
Walang forever!"Natatawang sabi ni Kuya nakahawak pa sya sa tyan nya!

At dahil sa inis umalis na lang ako at pumasok ulit sa kuwarto!Hindi na ako kumain dahil aasarin lang ako ni Kuya.


Kinabukasan...

Papasok ba ako o hindi?

Alas syete na at di pa ako makapagpasya kung papasok ba ako o hindi.Nasa labas na rin ang service ko.

Kapag pumasok ako iisipin nila na wala lang sa akin 'yun! Kung hindi naman ako pumasok iisipin nilang naapektuhan ako.No!Papasok ako!

Mabilis akong lumabas at sumakay na rin sa service.Ng papasok na ako ng gate natigilan na naman ako.

Papasok ba ako o hindi?

"Papasok ka ba o hindi?"
Tanong sa akin ng bwisit na guard na 'yun!Feeling principal!

Inirapan ko lang sya."Papasok!"
Mabilis akong pumasok ng gate at saka dahan-dahan naglakad papuntang building namin.

Ng nasa corridor na ako tumingin sa akin yung mga traydor kong kaibigan na nakatambay sa corridor.Hindi ko na sila pinansin at pumasok na lang.

Pagkapasok ko daig ko pa ang teacher namin sa English!Biglang tumahimik,
napatayo si Janelle at biglang lumapit sa akin.

"Akala ko hindi ka papasok!"
Salubong nya sa akin,pero malakas pa rin ang boses!

Let the Love change youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora