CHAPTER 11

0 0 0
                                    

MAX'S POV

Lunes

Pupuntahan ko dapat sa table nila yung babae na tinutukoy ko kay Gung kaso nga lang wala sya 'dun.Break time at lunch break wala sya 'dun .Pero ang kaibigan nya andun.Hindi na ako tumuloy dahil wala naman yung babae.

Break time...

Maaga kaming pumunta ng buong Python sa canteen.Andun nanaman ang mga bulungan.Hindi na namin pinansin yun at sa halip ay hinanap ng mga mata ko yung babae na 'yun.Ngayon ay hindi ako nabigo dahil kasama nya yung kaibigan nya.Dumiretso muna ako sa table namin.

"Boss,ayun na yung  babae." nginuso ni Gung yung babae .

"Mamaya pupuntahan natin."sagot ko.

"Oo nga pala boss,yung mga bolts kumakana nanaman."si Joshua.

Nangunot ang noo ko. "Bakit ano nanaman ginawa nila?"

"Boss wala ngayon si Du."

Tinignan ko silang lahat at wala nga si Du hindi ko napigilan na ihilamos ang kamay sa mukha. "Ano bang nangyari 'dun?" Inis na tanong ko.

"Yun nga boss...tumawag sa akin si Du bugbog sarado daw sya."

"Ano nanamang kagaguhan ang ginawa 'nun?"

"Papauwi na daw sya boss,E!Nakita nya yung tatlong bolts sa parking masama daw tingin sa kanya.Tapos yun nagkapikunan sa salita bugbog si Du pinagtulungan sya."

"Ha!Alam na ni Aldrin ang nangyari?"tanong ko .

"Siguro boss,Baka nga naghahanda na 'yun sa resbak natin."

"Magpalipas muna tayo ng dalawang linggo."

Sumangayon naman silang lahat sa akin.Aaminin kong mahirap kalaban ang mga bolts.Sila ang madalas naming makabangga.Malakas din si Aldrin na namumuno sa kanila.At baka nga pinaghahandaan na nila ang resbak namin katulad ng sinabi ni Joshua.

Nagmadali akong kumain dahil baka biglang umalis yung babae.Pagkatapos kumain ay pinuntahan ko yung babae at lahat naman sila ay nakasunod sa akin.Ng makarating ako sa table nila ay nag-angat sya ng tingin sa akin.At ayun nanaman ang walang emosyon na mukha nya.

"What?"tanong nya tinignan pa ang mga kasama ko.

"Gusto lang kitang makilala." Nakangiting sagot ko.

"Hala!Bakit kaya?"

"Narinig nyo 'yun?"

"Bakit gusto nyang nakilala?" nagsimula ng umingay ang paligid.

"Bakit?"walang kagana ganang sabi nya.

"Wala lang...Gusto ko rin kasing magapologize sa nasabi ni Gung."

Imbis na sumagot ay tinignan nya lang ako.Para akong tanga na naghihintay ng sagot nya.

"What's your name?"tanong ko nakangiti pa rin.

Tumayo sya."Oh!"pinakita nya ang I.D nya at doon ko nabasa Sandra Gyn Luna.

"Pwede kitang tawagin na Luna?"

"Ewan ko sayo?"

"Tipid mo naman sa sagot . I'm Max De Leon."pagpapakilala ko at nilahad ang kamay ko.

Tinignan nya yung kamay ko medyo natagalan bago nya tanggapin.

"Nice to meet you,Luna." nakangiting sabi ko.

"Are you done?"parang inip na inip ang tono nya.

"Yes,gusto lang talaga kitang makilala."

"Okay,Sorry Max I have to go."Sabi nya at tinignan ang kaibigan.

"Okay...Luna,I hope this is not the last time that we will see each other."

"Okay ."maikling sagot nya.  "Let's go."tumingin sya sa kaibigan na nakatayo na rin.

Hanggang sa makaalis ay tinignan ko pa ang dinaanan nila.Pakiramdam ko kuntento na ako na makilala sya.

Luna...

Let the Love change youWhere stories live. Discover now