CHAPTER 21

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Nag-umpisa na ang klase pero hindi ko magawang intindihin ang sinasabi ng Prof namin dahil naglalayag ang isip ko.Iniisip ko kung ano ang pag-uusapan namin ni Shaun.Isa pa
hindi ko alam kung bakit sya nagyaya na maglunch kami ng sabay.

Sa isang banda ay masaya rin ako dahil perfect ako.Ngayon ay naniniwala na ako sa kanya na magaling sya sa Math.Humanga ang mga kaklase ko sa akin pero sa totoo lang hindi na ako ang nagsagot 'dun.

Lunch break...

Hindi ko nasabi kay Keith na sasabay sa amin si Shaun.Nawala kasi sa isip ko tuloy hindi ako mapalagay dahil baka iba ang isipin ni Keith.
Kinakabahan tuloy ako sa kanya.

Nauna akong makarating sa Canteen
umupo muna ako hindi agad um-order.May ilang minuto na rin akong naghihintay pero walang Keith na nagpaparamdam.Tatayo na sana ako ng makita ko si Shaun sa harapan ko.Tuloy ay naupo na lang ulit ako.

"Wala pa yung kaibigan mo?"
Tanong nya.

"Nakikita mo ba?"inis na tanong ko sa kanya.

Umiling na lang sya sa akin at uupo na rin sana ng dumating si Keith.
Tinignan ko sya pero agad din akong nabaling sa kasama nya.

Gulat na nilingon ni Keith si Shaun at binibigyan ako ng nagtatanong na tingin.Pero hindi ko na sya pinansin sa halip ay tinititigan kung ang kasama nya.

"Major,Hindi ko alam na sasabay ka pala sa amin?"si Keith na diretsong nakatingin kay Shaun.

"Hindi pala nasabi sayo ni,Sandra."
Sabi ni Shaun at nilingon pa ako.

"Nakalimutan ko,e."palusot ko.

"By the way ,this is Sharmaine."
Turo nya sa kasama nya.

Ngumiti naman ito sa akin."Hi."
Bati nya sa aming dalawa ni Shaun.

Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya."Sharmaine is my best friend since we're Highschool,ngayon
na lang kasi ulit kami nagkita."

"What's your name?"tanong nya sa akin at hindi ko inaasahan 'yun.

Napatitig lang ako sa kanya at agad ding nagsalita."I'm Sandra Gyn Luna."pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Nice to meet you Sandra."
Nakangiting sabi nya, ngumiti naman ako ng pilit.

"Sandra,Sa iba na lang kami magtatable ha?Mukha kasing dapat kayo mag-usap ni, Major."
Nakangiting sabi nya.

"Hind-"

"Bye."pagpuputol nya sa sinabi ko at binigyan ako ng nanunuksong tingin.

Tinititigan ko pa sya bago umalis at saka ko tinignan si Shaun na diretsong nakatingin sa akin .
Agad naman akong nag-iwas ng tingin.Tumayo na rin ako na kinagulat pa nya.

"Where are you going?"
Tanong nya na nakatayo na rin.

"In hell."walang gana kong sagot.

"I'm serious."

Sinulyapan ko pa ang mukha nya at seryoso nga."Oorder."Sabi ko at saka sya tinalikuran pero agad ding humabol.

"No need.Ako na ang Oorder."

"Ako na bibili ng sa akin."

"Ako na."pagmamatigas nya.

"Ako na."pagmamatigas ko rin.

"Ako na."Hindi sya nagpatalo.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now