CHAPTER 32

0 1 0
                                    

MAX'S POV

Dismissal

Kating-kati na talaga ang palad
ko na makasapak.Alam kong
ganun din si Du lalo't sya ang
pinagtulungan ng mga bolts.

Naghahanda na yung mga kasama
ko para ipaghiganti si Du.
May mga ata't na ata't ng makasapak
ang iba naman ay wala lang
pakielam at isa lang ang napansin
ko.Si Du hindi mapakali habang
naghihintay dito sa gate.

Isang batok ang binigay ko
sa kanya.Hindi kasi mapakali
sa kinatatayuan nya.

"Aray naman,Boss!"
Reklamo nya.

"Umayos ka nga!Taeng-tae ba?"

Nagtawanan naman ang mga
member ko.Napansin din kasi
nila si Du na hindi mapakali.

"Sensya na Boss!"napakamot
sya sa ulo nya.

"Hintayin na lang natin sila!"
Utos ko sa kanila.

Wala sanang madamay!

Nasa coffee shop ngayon sila
Aldrin at alam kong alam na nila
ang mangyayari.Kanina pa sila
'dun at hindi na ako makapaghintay
pa sa kanila.

Ilang minuto na kaming naghihintay
dito at ayun lumabas na sila
ng coffee shop.Mga nakatingin
na sila sa amin.

"Ayan na!"sigaw ni Joshua.

Sinuot ko na ang asero sa kamay
ko ganun din ang iba .Ang iba
naman ay may dalang kahoy sa
amin at ang iba baseball bat.

Ng makarating sila dito sa gate ay
nagpalitan agad kami ng matalim
na tinginan.Tinitigan ko si
Aldrin at seryoso sya.Hindi ako
nagkamali pinaghahandaan din
nila ito.Nagsuot rin ng asero ang
iba sa kanila pati na rin si
Aldrin.

"Mga GAGO!"sigaw ni Du sa kanila.

Nagtawanan naman ang mga ugok.
Tinignan ko si Aldrin na seryosong
nakatingin sa akin.Seryosong-seryoso
sya.

"O pano umpisahan na!"
Sigaw ng myembro ni Aldrin.

"May lakad ka ba?"ngingiti-ngiting
sabi ni Gung.

"Oo,e! Ihahatid pa kita sa
Hospital!"sagot nung myembro
ni Aldrin.

Sige lang magyabang ka pa!

"May lakad din akong papuntang
IMPYERNO at ikaw ang iaalay ko!"
Sabi ni Gung nagtawanan naman
ang mga kasama ko.

"Mauna ka!"sigaw nya at may
kinuhang kutsilyo sa bulsa.

Nagulat kami sa pagbunot nila
ng kutsilyo pero hindi namin
ipinahalata.Pati narin si Aldrin
may kutsilyo at ang iba pa.
Mag duwag kaya naglabas ng
kutsilyo.Pero wala ng atrasan 'to
kami ang nagmumukhang duwag.

"Coward!"Sabi ko.

Wag lang magkakapatayan!Lagot
tayong pare-parehas!

"Akala nyo kayo lang ang
naghanda!"sa wakas nagsalita
na si Aldrin.

"Mga duwag!"Natatawang sabi ko.

"Hindi naman sa ganun... Naghanda
lang talaga."nakangising sabi ni
Aldrin.

Kaasar talaga ang pagmumukha
ng gagong 'to!

Let the Love change youWhere stories live. Discover now