CHAPTER 50

0 1 0
                                    

MAX'S POV

Hinayaan ko na lang na pumasok si Luna ngayon sa class nya.Baka kasi hindi nya pa muna ako kausapin.

Nakita ko ang nangyari kanina ng sampalin nya si Luna.Gusto ko sanang tulungan si Luna kaso gusto kong makita kung paano nya ipagtatanggol ang sarili nya.

Hindi nga ako makapaniwala kanina sa ginawa ni Shaun.Pinigilan nya si Luna sa akmang pagsampal para lang kay Katherine.Kung tutuusin si Katherine lahat may kasalanan nito.

Hindi ko nakitang naglunch si Luna.
Siguro nagpapalamig ng ulo.Alam kong nag-init lang ang ulo ni Luna kanina kaya nya sinampal si Shaun.

At ito ako nasa bench.Nakaupo lang si Luna habang nakayuko.Agad akong lumapit sa kanya.

"Max!"nakangiting sabi nya pero alam ko naman na malungkot sya.

"Hindi ka nanaman naglunch, Luna!"malungkot kong sabi.

"Baka kasi makita kita 'dun!"

"E ano naman?"

Sa lupa lang sya nakatingin. "Nawawalan ako ng gana 'pag nakikita kita!"

"Ouch!"sabi ko saka humawak sa dibdib.

"Joke lang!"umayos ng upo si Luna pero hindi pa rin sya nakatingin sa akin.

"Are you okay, Luna?"tanong ko sa kaniya.

"Obviously.No! Tangang 'to!"

Napatawa na lang ako sa sinabi nya.
Iba talaga 'pag Luna ang bumanat.

"Sorry kung di na naman kita natulungan!"malungkot kong sabi.

"Okay lang.I don't need your help!
I can handle myself!"

Hinarap ko si Luna."Ikaw talaga Luna, e,Ang sakit mo talaga magsalita.Straight kung straight."

Tumingin sa akin si Luna."E di umalis ka sa harapan ko!"
Seryoso nyang sabi nya."Kung ayaw mong nakakarinig ng masakit na salita!"saka tumingin sa mga naglalakad na estudyante.

"I'm sorry!"Sabi ko at saka tumayo.

Lalakad pa lang sana ako ng maramdaman kong hinawakan ni Luna yung kamay ko.Gulat akong napalingon sa kanya.Shit, para akong kinuryente.

"Ito naman.Niloloko ka lang!
Umupo ka na!"Sabi nya saka binitawan yung kamay ko.

"Akala ko papaalisin mo na ako!"
Umupo na ulit ako.

"I never do that! You're here for me.So,How can I?"tumingin sya sa akin.

"But seriously...I'm sorry Luna!
Sinserong sabi ko.

"Kahit ilang beses kang humingi ng tawad sa akin dahil hindi mo ako natulungan...Okay lang sa akin 'yun!nakangiti sya pero malungkot.

"Thank you Luna!"

"Pero!"tumingin ako sa kanya.
"Sorry din kung nasa bingit ka na ng kamatayan pero hindi kita matutulungan!"

"Bakit naman?"seryoso kong tanong.

"Kasi ayaw kitang tulungan.
Ano 'to?Ikaw tutulungan ko tapos ako di mo matulungan?"

"Sorry!"napakamot ako sa ulo ko.

"Hahahahaha!"bigla syang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.
"Jowk! Syempre tutulungan kita 'no!Pero seriously Max.Don't worry kung di mo ako matulungan!Kasi di ako magagalit sayo!"nakangiting sabi nya.

Let the Love change youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang