CHAPTER 20

0 0 0
                                    

SHAUN'S POV

Pagkarating ko sa dorm ay dumiretso na ako sa kwarto.Naupo ako sa kama at tinitigan ang notebook ni Sandra.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ng pumayag si Sandra na sagutan ko ang notebook nya.Hindi ko alam kung bakit ako pa ang masaya sa ginawa nya.

Dapat nga ikaw ang matuwa kasi ako na magsasagot dito.Pero bakit ako pa ang masaya?Bakit ba ganito ang naidudulot mo sa katawan ko?Bakit ba kailangan kitang lapitan?Gustuhin man kitang hindi pansinin pero nananadya ang pagkakataon.

Nakita ko si Sandra sa study table.
Kasama nya si Max at habang nasa malayo ako ay pinapanood ko lang silang dalawa.Hindi ko alam kung bakit ba sya nilalapitan ni Max na hindi naman nya gawain.Hindi ko rin alam kung bakit naging malapit si Sandra at Daniel.

Bakit ba parang may kinalaman sayo ang lahat?Bakit parang umiikot ka sa mundo naming tatlo?

Iniwasan ko na lang mag-isip at binuksan ko na lang ang notebook ni Sandra.Maganda ang sulat nya pangbabae talaga.Aaminin ko na mas maganda sya sumulat kaysa kay Katherine.Mabilog kasi ang mga letra ni Katherine 'pag magsusulat sya.
Habang ang kay Sandra naman ay maliliit pero nababasa mo naman.Isa pa ang ganda sa mata na tignan ang sulat nya.

Mayamaya lang ay inumpisahan ko ng sagutan ang notebook nya.Hindi naman sa nagyayabang pero magaling talaga ako sa Math.Hindi nga ako nahirapan na sagutan 'to.

Pagkatapos ng pagsasagot ay lumabas na ako ng kwarto at nagluto ng makakain.Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa Cr para maglinis ng katawan, magtoothbrush at magmouthwash.

Pumunta na ako sa kama at saka humiga.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Nasa bench ako ngayon at nakita ko ang pamilyar na likod.Ang likod nya na hindi ko pagsasawaan na pagmasadan.

Lumapit ako sa kanya at bahagya nya namang kinagulat 'yun.Habang nakatayo ay pinagmasdan ko ang mukha nya at gaya ng dati walang emosyon.Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya sa akin saka ako tumabi sa kanya.

"Kamusta araw mo,Sandra?"
Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti 'rin."Ayos lang naman ako,e, ikaw?"biglang tanong nya.

"Masaya naman ako kasi nakita na kita."Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha ko.

"Sus!Baka nakita mo si Katherine."
Bigla ay lumungkot ang mukha nya bagay na ayaw kong mangyari.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. "Saan mo naman nakuha 'yan?"

Binawi nya ang mukha nya sa akin at saka nag-iwas ng tingin."Hindi ka pa rin nakakamove on sa kanya, Shaun."mahihimigan mo ang lungkot sa tono nya.

"Nakamove on na ako sa kanya,
Sandra."

"Bakit ba patuloy ang paglapit mo sa akin?"

Nagulat ako sa tanong nya."Sandra."
Ang tanging nasabi ko na lang.

"Hi Sandra."Mula sa malayo ay natanawan ko na si Daniel na nakangiti kay Sandra.

Ngumiti naman si Sandra sa kanya.
Ilang segundo 'rin ang namutawi sa pagtitigan nilang dalawa at-

What the fuck?

Let the Love change youWhere stories live. Discover now