CHAPTER 30

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Ilang araw ang lumipas at ngayo'y
ay araw ng sabado.Nagpakabusy
ako ng ilang araw.Wala akong nakita
na Max at Shaun pati narin Daniel.

Tatlong araw ang lumipas at hindi
ko talaga naramdaman ang
presensya nila.Hindi ko nakita
ang grupo nila Max sa Canteen.
Hindi ko rin nakita si Shaun na
laging nasa bench.Hindi ko rin
nakita si Daniel ng maglinis ang
mga kasamahan nya.

Nakakapanibago lang na wala akong
maramdaman na presensya nilang
tatlo pero ayos na rin 'yun.
Bigla tuloy ay namiss ko
ang panggagago ko kay Shaun.
Pakikipag-usap kay Max.
Pagtulong kay Daniel sa paglilinis.

Nasa kwarto ako ngayon mag-isa
ako dito dahil umalis si Keith
kasama si Sharmaine.Kaya ito
ako ngayon tahimik na
pinagmamasdan ang kisame.
Hanggang sa tumunog ang
cellphone ko.

"Hello."sagot ko na hindi man
lang tinignan kung sino yung
tumawag.

"Hoy!Puta ka hindi ka man
lang magparamdam!"malakas
ang boses nya.

Si Janelle Carivados- kaibigan ko
simula first year highschool.

"Bakit?"walang ganang tanong ko.

"Anong bakit?Talagang pinanindigan mo 'yang pagiging
cold mo 'no?"malakas talaga
ang boses nya.

"Bakit ka ba tumawag?"

Narinig ko mula sa kabilang linya
ang malalakas nyang buntong-hininga. "Tanginang 'yan!
Ang ganda ng tanong mo!
Sabi ko bakit hindi ka magparamdam!"malakas talaga.

"E!Bakit nga?"

"Anak ng...Isang bakit mo pa
malilintikan ka na sa akin!"

Paano naman nya gagawin 'yun?

"At paano mo namang gagawin
'yun?"Natatawang tanong ko.

"Tatawa ka pa dyan ah!"

"Malamang siraulo ka pa rin."

"Andito ako sa labas ng dorm mo!"
Sigaw nya sa akin.

Napabalikwas naman ako.
"Ano?Ano ginagawa mo dito?"
Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Labasin mo ako dito kung ayaw
mong tadyakan ko yung pinto!"
Nagbabanta ang tono nya.

"Andyan na!"Sabi ko at saka
lumabas ng kwarto.

"Fuck you!"Sabi nya saka binaba
ang linya.

Pagbukas ko ng pinto ayun nga
sya at nakangiti agad sa akin.
Pakiramdam ko tuloy may
ginawa itong kalokohan.
At ayun pumasok na sya.

Pwede naman ata magdala ng
babaeng bisita dito ang bawal
lang daw lalaki.

Pupunta na sana ako ng bigla
nalang nya akong batukan.

"Aray!"inis na sabi ko.

"Akala mo di ko kayang gawin,ah!"
Tataas-taas pa ang kilay nya.

"Bakit ka ba nandito?"

"Namiss ko ata ang Mareng Sandra
ko."Sabi nya saka umakbay.

"Tara sa labas!"anyaya ko sa kanya.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now