CHAPTER 14

0 0 0
                                    

SHAUN'S POV

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Sandra ay dumiretso na ako sa tanggapan.May bago nanaman kasing mahahazing at sa grupo nila Aldrin gustong sumali.

"Bro!"bati sa akin ni Aldrin.

"Musta na?"

"Sino yung babaeng kasama mo kanina?"tanong nya.

"Saan?"

"Sa bench."

Si Sandra?

"Si Sandra 'yun."

"Bago mo?"Natatawang tanong nya.

"Hindi."sagot ko na lang.

Aaminin ko na masaya ako sa mga sinabi ni Sandra.Kahit papaano ay napagaan nya yung nararamdaman ko.Although iba ang paraan nya ng pakikipag-usap pero pakiramdam ko gusto ko syang lagi nakakausap.

"Hindi ka pa ba mag-uumpisa?" tanong ko kay Aldrin.

"Manonood ka ba?"

"Oo ."sagot ko at nakita ko na ang lalaki na ihahazing ngayon.

Mapayat na medyo matangkad. Syempre nakasako na ang ulo nya. Kinuha na rin no Aldrin ang kahoy na panghahampas sa kanya.At nag-umpisa na nga.

"Kakayanin mo kaya?"tanong ni Aldrin sa lalaki.

"K-Kakayanin ko b-boss."

Nag-umpisa na si Aldrin na paluin sya sa tuhod sa likod sa binti .Paulit ulit nya lang ginawa 'yun.Palo sa binti sa likod sa braso sa tyan.

BAAG
"Aray!"
BAAG
"Ah!
BAAG
"Ah!"

Mahina ang isan to wala trentang segundo iniinda na ang sakit. Nangunot noo naman si Aldrin alam ko na nakikita nya na mahina ang pinapalo nya.Hanggang sa magpatuloy ulit si Aldrin.

BAAG
"Aray!"
BAAG
"Ah!"
BAAG
"Aray ko!"

Mga isang minuto na siguro ang lumipas ay nagpatuloy pa rin si Aldrin sa pagpalo.Aaminin ko na malakas si Aldrin pumalo.Pero salubong ang kilay nya nararamdaman siguro nito na hindi kakayanin ng lalaki na ito ang mga palo nya.

BAAG
"Ah."
BAAG
"Aray!.
BAAG
"Ah!"
BAAG
"Suko na ako boss."

Sabi ng lalaki na nakahandusay na sa sahig .Tukop tukop nya ang tyan at nakabaluktot na.Hinagis ni Aldrin ang kahoy nya.

"Ilayo nyo yan sa harapan ko!" sigaw ni Aldrin galit ang tono nya mabilis namang hinila ng mga kasama nya ang lalaki.

"Calm down,bro."Sabi ko sa kanya tinignan naman nya ako.

"Mahina!"galit pa rin sya.

"Mapayat e!"

"Sasali sali mahina naman pala." Kumalma na sya.

"Madami naman kayo ."

"May problema pa nga ako ngayon."

"Ano yun?"

"Gago kasi yung tatlo kong kasama, Binugbog ba naman yung member ni Max."

"Anong nangyari?"

"Hindi pa rin sila kumikilos,baka naghahanda na 'yun."

"Panibago nanamang gulo yan sa inyo ni Max."

"Paghahandaan ko na lang sila."

"Oo nga siguradong may plano na 'yun."

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa amin ni Aldrin. Hanggang ngayon salubong pa ang kilay nya.Tinignan ko pa sya ng mabuti pero sa pinto sya nakatingin at ang sama ng hitsura nya.

"Bakit ganyan yung mukha mo." Natatawang tanong ko.

Nilingon naman nya ako.Maayos na rin ang mukha nya bumuntong-hininga pa sya bago nagsalita.

"Isa pa yung gagong Ritmo na 'yan!"

"Ano meron kay Ritmo?"

"Ayaw nyang tantanan si Almira."

Si Almira Mendez ay girlfriend ni Aldrin.Kaibigan sya ni Katherine at Faye Hernandez.May pagkamaarte si Faye at si Almira.Kilalang tao kasi ang mga parents nila.Si Ritmo naman ang namumuno sa TAONGABAME? 'yan ang tawag sa frat nila.

"Ano ba ginagawa ni Ritmo?"

"Sabi ni Almira kinukulit daw sya ni Ritmo lagi daw nakasunod sa kanya."

"What's your plan?"

"Sabi sa akin ni Almira hayaan ko na lang daw,Bukod doon hindi naman daw nya ako ipagpapalit ." Natatawang sabi nya pa.

"Paano kung hindi tumigil si Ritmo sa ginagawa nya na patuloy sa pagsunod."

" 'Wag ko lang maabutan sya na kasama si Almira."

"Malakas din si Ritmo,Parang si Max lang mas malakas nga lang sa kanya si Max."

"Hindi pa ba malapit sayo si Ritmo?"

"Hindi pa.Basta kung may plano ka kay Ritmo tawagan mo na lang ako."

"Thanks bro!" Tinapik pa nya ang balikat ko.

"Mauuna na ako."Sabi ko at tinapik din ang balikat nya saka umalis sa tanggapan.

Pagkarating ko sa dorm ay umupo na ako sa Sofa.Pakiramdam ko ako yung pinalo ni Aldrin dahil sa pagod na nararamdaman ko.

Hanggang sa naisip ko Sandra. Pumasok sya sa utak ko kung bakit hindi ko alam. May nagsasabi sa utak ko na lapitan sya at maging close sa kanya.Siguro dahil iba sya sa mga babae na nakakasalamuha ko.Kung ibang babae ang nilalapitan ko baka kinikilig na 'yun.Pero iba sya hindi ko sya makitang nakangiti palaging seryoso ang mukha nya.May isa pang nagsasabi sa puso ko na alamin kung bakit ganun ang personality nya. Pero hindi na mahalaga sa akin na malaman  'yun ang gusto ko lang ay maging malapit sa kanya.Parang gusto ko na lagi syang nasa tabi ko at gusto ko ako lang ang nasa tabi nya.May pagkakataon na masungit sya pero para sa akin ang ganda nya tignan pag nagsusungit.Oo hindi naman sya maganda pero hindi rin sya pangit.Natitigan ko rin ang mga mata nya na maganda pero parang may ipinapapahiwatig sa akin 'yun.Ang lungkot ng mata nya bagaman seryoso sya.At kung tatanungin ako hindi naman sya mahirap gustuhin.Ang swerte siguro ng magiging boyfriend nya dahil ang girlfriend nya ay kakaiba.Hindi maarte ganyan ang  gusto ko sa babae si Sandra hindi sya maarte .

Let the Love change youKde žijí příběhy. Začni objevovat