CHAPTER 22

0 0 0
                                    

SHAUN'S POV

Ng maghiwalay kami ni Sandra ay dumiretso na ako sa building namin.
Habang naghihintay ng Professor ay hindi ko mapigilang ngumiti.
Kakaiba sa pakiramdam ang makita kong ngumiti at tumawa sya.
Pakiramdam ko naging tao na sya.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ng makita ko ang ngiti nya.Iba at ang saya pakinggan ng tawa nya.
Hindi ko pinagsisihan na tanungin sya sa fying kiss na 'yun.Hindi ko
talaga pinagsisihan dahil nakita kong tumawa at ngumiti ng dahil sa tanong na 'yun.

Dismissal

Papunta na sana ako ng bench ng makasalubong ko si Axel.
Tinitignan ko sya at sapak ang ngiti nya sa akin.Hindi ko tuloy mapigilang hindi mahawa sa kanya.Kahit malayo pa kami sa isa't-isa ay nakangiti na kaming parehas.

"Tara sa labas."Sabi nya ng tuluyang makalapit sa akin.

"Saan?"

"Dyan sa coffee shop."Sabi nya at biglang akbay sa akin.

"Libre mo ba?"

"Oo naman."

Hindi na ako nakapunta sa bench at sumama na lang kay Axel.Ng marating namin ang gate ay sunod-sunod na bati na ang natanggap ko.Ang ibang pasakay na sa kotse nila ay huminto pa mabati lang ako.At ang iba pang pasakay sa taxi ay nilingon pa kami ni Axel.Nginingitian ko naman sila.

Ng marating namin ang coffee shop ay
agad ding Um-order si Axel.
Ako naman ay hinihintay lang sya.
Ng dumating ang order ay saka ko tinitigan 'yun at pangtatlong tao.

"Kasama ba si Aldrin?"tanong ko sa kanya na agad din namang tumango.

"O ayan na pala sya."Sabi nya at nginuso pa ang pinto kung nasan si Aldrin.

Ng tuluyang makalapit si Aldrin ay saka nagsimulang umupo si Axel.
"Hello,mga bro!"bati nya sa amin.

Tumango na lang ako sa kanya ganun din ang ginawa ni Axel.At di nagtagal ay nagsimula na kaming kumain ng
Cake.Ngunit sa pagkain namin ay
may napapansin ako sa kanilang
dalawa.Kanina ko pa 'to napapansin
pero hindi lang ako kumikibo.
Palihim ko silang tinititigan at
nakita ko ang malawak nilang
ngiti.

"Hoy!Ano problema nyo?"
Tanong ko sa kanilang dalawa.
Ngunit nagkibit balikat lang sila.

Hindi ko na sila pinansin pa at saka
nagsimula ulit sumubo.Pero
patuloy parin sila sa pagngiti.
Tinignan ko sila ng palihim
paminsan -minsan pero di talaga mawala ang ngisi sa mukha nila.

"Ano ba problema nyong dalawa?"
Hindi ko na napigilang magtanong sa kanila.

"Hahahahahahaha!"imbis na salita ang matanggap ko ay tawa.

Binababa ko ang tinidor at tinignan silang dalawa."Ano?"tanong ko ulit.

"May kinuwento kasi sa akin 'to."
Sabi ni Aldrin sabay turo kay Axel.

"What's that?"

"Tungkol sa Classmate."
Natatawang sabi ni Axel.

Anak ng...Nawala sa isip ko 'yun,ah!

"Kunwari ka pang ayaw mo sa kanya."panunukso ni Aldrin.

"Kung hindi ko pa nga nakuha
yung notebook nyan hindi ko
malalaman."nakangising sabi ni
Axel.

"Tinulungan ko lang sya."
Depensa ko.

"Tinulungan?"Hindi naniniwala ang tono nya.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now