CHAPTER 58

0 1 0
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at hindi na nga kami nag-usap ni Xander.
Wala na kaming pansinan!

At silang dalawa naman masaya na!
At ito ako, nagseselos sa kanilang dalawa!Minsan pa nga lumilipat pa si Xander ng upuan para lang makatabi si Kean!Nakakaselos na talaga!Hindi na nga ako makapag-focus sa subject namin tuwing nakikita ko si Xander na katabi si Kean.

Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi ng teacher namin kasi nasa dalawa ang paningin ko.Totoo ba talaga na wala kami?Sana panaginip na lang 'to! Tuwing nakikita ko silang nagtatawanan pinapangarap ko na sana ako na lang si Kean!

"Hoy!Halika bilis!"nagulat na lang ako ng hatakin ako ni Janelle.

Dinala nya ako sa CR.Pagkapasok 'dun tumambad sa akin ang mukha ni Quinnie na nakangisi.Nasa likod nya si Rina,Cherry, Ericka,Papa Chups at Jake?Bakit sya nandito?


"Bakit ba?"tanong ko kay Janelle.

Ngumisi sya."Magpapanggap si Jake na manliliggaw sayo!"

"ANO?"gulat na sabi ko.

"Hahahah!Kita mo may magseselos mamaya!"nakangising sabi ni Quinnie.

"Huwag ka ng maarte!Tutulungan na nga kita!"Sabi sa akin ni ni Jake!

"Sige na!Pumayag ka na Sandra!"
May pahampas pa si Rina sa braso ko.

Biglang may kumatok sa pinto.
Binuksan 'yun ni Janelle at tumambad sa amin sila Troy,Marvin,Joshua, Laurenz at Juliana pati narin si Bea.
Kasama din nila si Princess, Diana, at
Micah.

"Ano?Ayos na ba?"tanong ni Laurenz.Nakita ko na may dala syang bocaue ng roses.

Yung iba may dala ng lobo at papel ba 'yun.

"Oo."sagot ni Rina.

"Tara na Sandra sa room!"
Hinila na naman ako ni Janelle.
"Wala pa si Xander at Kean dahil sinabi namin kila Mark na aliwin muna yung dalawa sa labas."
Sabi nya habang hatak-hatak ako.
"Dun ka muna sa upuan mo at umupo ka lang 'dun,tapos dadating yung dalawa.Kapag nasa room na sila papasok sila Quinnie kasama si Jake.At syempre ang sasagot mo lang sa tanong ni Jake OO!"
Paliwanag pa nya.

"Para tayong bata!"komento ko.
Totoo naman kasi,para kaming bata sa ginagawa namin!

"Sinong may pake!"Sabi nya sabay irap.

Ng makarating kami sa room.
Pinaupo na nya agad ako.Nasa loob na rin yung mga traydor kong kaibigan.
Wala silang alam!Pagkaupo ko binigay sa akin ni Janelle yung cellphone ko.

"Ano gagawin ko dito?"
Tanong ko sa kaniya tapos kinuha 'yun.

"Kagatin mo!Magcellphone ka muna,kunwari abala ka!Tangang 'to!"Sabi nya sabay alis.Pumunta na sya sa upuan nya.

Nagbukas na lang ako ng Fb.
At pagbukas bumungad sa akin ang share ni Kean.

Bagong nagpapasaya sayo!Tag mo!

Tapos nakalagay 'dun yung panggalan ni Xander.Sarap ibalibag ng cellphone ko kung ganyan bubungad sayo!

Habang nagi-scroll ako dumaan na si Xander at Kean.Si Xander dumiretso na sa upuan nya.Nagpatuloy lang ako sa pagi-scroll.

Mayamaya lang ay umingay na sa labas.Biglang lumapit sa akin si Julliana at Bea.

"Bakit?"tanong ko, napatingin din sa amin yung mga kaklase ko pati na rin si Xander.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now