CHAPTER 6

0 2 0
                                    

Keith's PoV

Pagkatapos ng huling klase ko ay nagpasya na akong lisanin ang building ng Makita ko si Daniel. Nandoon sya ngayon sa puno ng malaking Accacia.Halatang busy sa paglilinis ganun rin naman ang mga kasama nya.Binuka nya ang sako at ang isa naman ay inilalagay ang bote 'dun.

Ang sipag mo talaga Daniel kaya mahal na mahal kita ei...

Nakakahiya mang sabihin pero pumunta ako kung nasan sya.Abala pa rin.Hahakbang na sana ako ng makitang lumapit si Mira Jane kay Daniel.Si Mira Jane ay secretary ni Daniel.Binigyan ni Mira Jane si Daniel ng tubig at tinanggap nya naman yun na nakangiti.

Nakakabuset ka talaga Mira Jane sana ako nalang ikaw.Wait...lugi ako mas maganda ako kaysa sayo.

Tinanggap ko ang pagbibigay nya kay Daniel ng tubig.Ang hindi ko matanggap ay ng punasan ni Mira Jane ang pawis ni Daniel sa mukha at LEEG!

Noooooooooo....Kakalbuhin talaga kita Mira Jane.

Halos mag-init ang mukha ko sa galit ng makita ko ang ngiti ni Daniel kay Mira Jane.

Oo alam ko na walang tayo Daniel...pero di tamang saktan mo ang puso ko ng ganito.At ikaw Mira Jane, Secretary ka lang.Hindi ka naman maganda.

Eh ikaw ba?Alam mo Keith...Sayang lang ang ganda mo kung hindi ka magpapapansin kay Daniel.

"Aray." Malakas na sigaw ko at sumalampak sa lupa.Nakita ko naman ang paglapit sa akin ni Daniel.

"Are you okay,Miss?" Tanong nya at mababakas ang pag-aalala sa mukha. Hindi rin sya mapakali at parang nagdadalawa o nagtatatlong isip pa kung hahawakan ako.

Touch me Daniel.

Gusto kong matawa sa naisip ko.Gusto ko ring matawa sa paglapit sa akin ni Daniel.Palabas ko lang kasi 'to para magpapansin sa kanya.

"Miss,Are you okay?" Mahihimigan mo ang pag-aalala sa tono nya.

"N-No ,I-Im not."Sabi ko sinadya kong mautal para maniwala sya sa akin.Kunwari pa akong nahihirapang huminga.

"Nahihirapang ka bang huminga?"

"G-Ganun nga."

"Dadalin kita sa clinic."Sabi nya at tinayo ako.Halos magliwanag ang mukha ko ng marinig iyon.Ngunit hindi ako nagpahalata sa halip ay umarte pa.

"Ako na." Gulat akong napalingon sa nagsalita at si Mira Jane yun. "Ako na magdadala sayo."  Nakangiting sabi nya."Marami pa kasing gagawin si Daniel."

Anak ng...Panira ka ng moment.Isa pa sasabunutan na talaga kita.

Lumungkot ang mukha ko matapos nyang sabihin iyon.Ipinaubaya nya ako kay Mira Jane.

Hindi pwede ayaw kitang makasama.

"N-No ,I-It's okay...I-I'll be fine."

"Are you sure?" Tanong nya.

"Okay lang ako ,M-Mawawala rin ito."

"Hey!Are you sure?" Si Daniel.

Ay hindi ...Paulit -ulit

Tumango na lang ako sa kanya .Inupo nya naman ako sa upuan.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now