CHAPTER 10

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Biyernes

Kahit na kinukulit ako ni Keith na ikuwento sa kanya ang nangyari sa akin ay hindi nya ako napapayag. Umagang-umaga kinukulit ako. Ayaw nyang tumahimik kakasalita hangga't di ko sinasabi.Hanggang sa di ko na nakayanan ang ingay nya.

"Ano na Sandra ...Kuwento mo na."namimilit ang tono nya.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang malaman."

"Bakit kasi may dugo yung leeg mo." Sabi nya ayun nanaman sya namimilit bukod doon inuuga pa ang balikat ko.

"Kumain ka na lang baka ma-late pa tayo."pagmamatigas ko.

"Sige na sabihin mo na sa akin. Paano kung may mangyaring masama sayo...tapos wala akong alam?Paano kung napahamak ka na pala tapos pupunta dito mga parents mo tapos di ko alam ang isasagot?Kung magtanong sila ano sasabihin ko?"

"Ano ba kasi iniisip mo?"

"Na may nakaaway ka."

Lokohin ko kaya ito? Masyadong maingay...

"E kasi..."Kunwaring nahihirapan akong magkuwento."Ano kasi..."

"Ano yun kinakabahan ako, Sandra."

"E kasi,Ano e!"

"Tell me Sandra." Kinakabahan ang mukha nya.

"E!kasi."

"Anak ng tokwa...puro kasi na lang."

"Keith ayoko sanang sabihin ito baka masaktan ka lang."

"Ano ba kasi yun?"Hindi sya makapaghintay.

"May nakaaway kasi ako na lalaki kahapon-"

"Really?"

"Kita mo ikukuwento na nga diba."

"Hehehe, Continue."

"Susuntukin ako nung lalaki bigla na lang humarang yung Daniel mo."

"O my God!"nagugulat na sabi nya.

"Bigla syang humarang tapos sya yung tinamaan.Gumanti si Daniel hanggang sa nagdugo yung kamao nya."

"Kamusta sya."

"Okay naman bago kami maghiwalay.Papaalis na sana ako pero tinulak nung lalaki na yun si Daniel tapos...Nabuwal ako pumatong naman sya sa akin ."

"Yung dugo mo sa leeg?"nag-aalala parin ang tono nya.

" 'Yun nasa ibabaw ko sya tapos yung kamay nya napunta sa leeg ko."

"O My God!"di makapaniwala na sabi nya."Ano pakiramdam?"

"Ng?"inosente kong tanong.

"Sabi mo nakaibabaw sya sayo."

"Ang bango nya gwapo rin."

Bigla syang tumayo."Nakakainggit ka naman , Sandra."malungkot na sabi nya. "Totoo ba?"

"Hindi."

Naalala ko lang na maingay nga pala sya.Baka maikuwento nya pa ito kay Daniel.Mapapahiya lang ako.Baka sabihin nya masyado akong assuming. Baka kumalat sa lahat.

"Ano?"

"Niloloko lang kita,Tara na gayak na tayo."

SHAUN'S POV

Papasok na ako ng room ng matanawan ko sya sa kabilang building.Hindi muna ako dumiretso at pumunta sa building nila . Naglalakad sya na parang wala sa sarili.Aaminin ko bagay sa kanya yung uniform matangkad kasi sya.Bukod doon mahaba din yung  buhok nya na mas lalong nakapagpabagay sa uniform na suot nya.Para syang lutang kung maglakad sa paa nya lang sya nakatingin imbis na sa harap nya.Inunahan ko sya na makarating sa room at hinarangan ko ang pinto.

Nag-angat sya ng tingin sa akin. "Ano ginagawa mo dito?" Seryosong Sabi ni Sandra.

"Can we talk?"malumanay na tanong ko.

"About what?" Wala kang mababakas na emosyon sa mukha nya .

"About yesterday."sagot ko.

"I have no time for that,TABI."Sabi nya at tinulak ako.

Tinignan ko pa sya pero nakaupo na sya .Sa white board sya nakatingin.

Bakit ganun hitsura 'nun?

Pumasok nalang ako sa room .Agad din naman pumasok ang Prof namin.

Dismissal

Hindi ko alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng excitement. Pakiramdam ko tuwang-tuwa ako dahil dismissal na.Agad akong naglakad papunta sa bench.Ngunit nanlumo ako ng hindi ko makita 'dun si Sandra.Hinanap ko sya pero bigo ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na napadpad sa puno ng malaking Acaccia.Tinanaw ko ang ilalim noon at 'dun ko nakita ang pamilyar na likod.Mabang buhok pero kulot sa baba.Nakaupo sya sa square na upuan at nagbabasa.

Si KATHERINE

Ito na siguro ang tamang panahon lara mag-usap kami.Naglakad ako papalapit sa kanya at kinagulat naman nya 'yun.

"S-Shaun."gulat na gulat na sabi nya.

"Pwede ba kitang makausap?" Tumango sya at tumabi nalang ako sa kanya.

"Sorry Shaun,hindi mo deserve na masaktan."nakayukong sabi nya.

"Gusto kong malaman kung bakit pumayag ka sa gusto ni Max?"

"Mahal ko sya Shaun,Mahal ko sya at gagawin ko kung ano gusto nya."

"Mahal ka din ba nya?"

"Hindi."mahinang sagot nya."Pero handa akong maghintay Shaun."

"Minahal mo din ba ako tulad nya?"

Natahimik sya matagal bago nakapagsalita."Oo Shaun,pero di tulad ng pagmamahal ko sa kanya,Sorry."

"It's okay."nakayukong sabi ko.

"I hope you been already moveon."

"Hindi ganun kadali yung sinasabi mo, Katherine."

"Padaliin mo Shaun."tumayo sya ganun din ako hinawakan ko ang braso nya.

"Sobrang sakit Katherine...Mahal na mahal kita."

Tinanggal nya ang kamay ko. "Shaun magmove on kana , Tanggapin mo nalang na hindi tayo para sa isa't isa."

Kung ako sayo tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanaan...

Agad ko namang naalala yung sinabi ni Sandra.Nakagaan ng loob ko 'yun.

Nakakaawa ka ,kung patuloy kang  magiging ganyan...

Ayun nanaman yung sinabi nya.Kailangan ko na ba talagang kalimutan si Katherine? Mahirap pero tama si Sandra   Kung ako sayo tanggapin mo nalang ang masakit na katotohanaan.Nakakawa ka,kung patuloy kang magiging ganyan.  Tama si Sandra nakakaawa ako kung patuloy kong hahabulin si Katherine.At isa pa si Katherine na mismo ang nagsabi na magmove on na ako.

"Shaun ...tapos na tayo."Sabi nya at umalis na.

Let the Love change youDonde viven las historias. Descúbrelo ahora