CHAPTER 8

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Huwebes

"Class Dismiss."Sabi ng Prof namin at nagsipagtayuan naman ang lahat.

"Ang galing mo naman, Sandra." Sabi ng katabi ko.

"Thanks."maikli kong sagot.

"Ang talino mo,Halos lahat ng tanong ni Prof nasagot mo."sabat ng isa pa.

"Thanks,Mauna na ako." pagpapaalam ko.

Pagkaalis ko ng building ay naglakad-lakad ako.Hindi ko alam kung saan pupunta.Hanggang sa napadpad ako sa gym.Napakalawak ng gym na. 'to.Marami ring students na nakaupo sa bleachers.Hindi na ako pumasok sa loob at sa gilid nalang dumaan.Hanggang sa marating ko ang likod nito may puno ng langka ,santol ,rambutan at  kung anu-ano pa. Hanggang sa marating ko ang mga puno ng mangga.Madami ang puno nito at kung hindi ako nagkakamali aabot Ito sa trentang puno.Ng marating ko ang mga. 'yun ay tumingin pa ako sa paligid.

"Why did you do this to me?"

Gulat kong hinanap kung saan nagmula ang boses na 'yun.At lalaki yun.He was bemoaning.Hinanap ko kung nasaan ang lalaki na 'yun. Paglampas ko sa isang puno ay tumambad sya sa akin.Sinusuntok nya ang puno.

Shaun?

Lalapit na sana ako ng bigla syang magsalita.Ngunit bago iyon ay sinuntok nya ulit ay puno.

"Anong ginawa ko sayo, Katherine. Mahal na mahal kita." Batid ko na umiiyak na sya base sa tono nya.

Hindi nya ako nakikita dahil nasa likod nya ako.Nakikita ko naman ang gilid nya.Sinuntok nya ulit ang puno at  mas malakas na iyon.Hanggang sa dumugo na  ang kamay nya.

"Bakit mo ginagawa  'yan."natigilan sya ng magsalita ako at gulat na nilingon ako."Pati puno dinadamay mo."lumapit ako sa kanya.

"Ano ginagawa mo dito."inis nyang tanong ng makalapit ako sa kanya.

"E!Naglalakad lang ako tapos narinig ko yung boses mo."

"Get lost."Sabi nya ng may salubong na kilay.

Tinignan ko naman ang kamay nya na patuloy sa pagdugo.Pakiramdam ko tuloy kailangan nya ng tulong ko.Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya hinawakan ko ang kamay nya.Gulat naman syang nilingon iyon.

"Dumudugo na."Sabi ko at saka kumuha ng panyo sa bulsa ko.Pupunasan ko na sana 'yun ng magsalita sya.

"Get off your hands on me."

"Wait lang-"

"Ano ba?"galit na galit ang mukha nya.

"Tatalian ko lang."

"Hindi ko kailangan."

"Pero-"

"Ano ba ?Hindi ka ba nakaakintindi?Umalis ka na na nga dito."sigaw nya at  binawi yung kamay nya.

"E di wag!Punyetang 'yan .May bahog ka!"Sabi ko at saka tumalikod pero humarang sya sa harap ko.

"What did you say?"Galit na naman. Hindi ako sumagot at saka sinalubong ang masama nyang tingin."I said, What did you say?"sigaw nya sa akin.

"Sabi ko may bahog ka!"ngunit ganun na lang ang gulat ko ng ilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Sino ka  para pagsabihan ako ng ganyan?"

"I'm Sandra."Sabi ko at saka nagsalubong ang kilay nya.

"Are you kidding me?"

"Sabi mo sino ako."

"Bobo ka ba?I mean, Sino ka sa buhay ko?Hindi literal na sino ka!"

Nag-init naman ang mukha ko pagkatapos nyang pagsabihan ako ng bobo. Sino mas Bobo sa atin?Ikaw lang  ang bobo dyan!Pati puno dinadamay mo.Bakit di mo tanggapin na niloko ka-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ng sakalin nya ako.Nagulat ako sa ginawa nya.Kinabahan ako ng matindi.Gigil na gigil ang mukha nya.Ang kagwapuhan nya ay natakpan ng galit.

"Ano bang alam mo ?Bakit ganyan ka magsalita,ha?"

"Nakita ko yung nangyari sa inyo ni Max tapos ni Katherine." Hindi masyadong mahigpit ang pagkakasakal nya kaya naman nakakapagsalita pa ako ng maayos.

"Bakit ba napakaepal mo?"

"Ano magagawa ko nakikita kita,Eh!"

"Lubayan mo ako dahil nagtitimpi na lang ako sayo."

"Wow! Nagtitimpi ka pa nyan?"

"Bakit ba kasi sulpot ka ng sulpot?"nangigili na sya.

"Ang tanga mo naman!Eh nakikita nga kita."mas humigpit ang pagkakahawak nya.

"You're annoying me! Aren't you?"

"Kung ako sayo tanggapin mo na lang ang masakit na katotohanaan."

"Hindi ka ba titigil!"sigaw na naman nya.

"Nakakaawa ka,Kung patuloy kang magiging ganyan."binitiwan nya ako hinimas himas ko naman ang leeg ko.

"Umalis ka na dito!"sigaw nya ulit.

"Hayop ka papatayin mo ata ako, eh!" Sabi ko at saka umalis.

Gagong lalaki na 'yan ah!

Tuluyan na akong umalis sa lugar na yun.Pagkarating ko sa dorm ay naupo ako agad sa Sofa.

"Anong nangyayari sayo?"tanong ni Keith.

"Bakit?"

"Mukhang hingal na hingal ka."Sabi nya habang nakatayo sa harapan ko.

"Ignore me."

"Bakit may nangyari ba?"

"Just ignore me."

"How can I do that?E may dugo yang leeg mo."

Hinawakan ko ang leeg ko at may dugo nga.Pati kamay ko may natuyo ng dugo.Hindi ko siguro napansin kanina nung hinimas ko ang leeg ko.Tumayo ako at saka pumasok sa kwarto tinignan ko ang leeg ko.

At may dugo nga!

Let the Love change youOnde histórias criam vida. Descubra agora