CHAPTER 36

0 0 0
                                    

MAX'S POV

Bagsak ang balikat kong naglalakad.
Wala akong gana sa lahat ng makita
ko ang reaksyon ni Luna.Nakatingin
lang sya sa akin at hindi man lang
ako magawang ngitian.Diretso lang
syang nakatingin sa akin parang
dati lang na wala kang mababasang
ekspresyon sa mukha nya.

Hindi ko maiwasang hindi
alalahanin ang nauna naming
pagtititigan.Walang emosyon
sa mukha nya noon na nakita
ko nanaman ngayon.

At ang mas masakit pa nakita
ko na kasama nya si Shaun.
Bakit pag si Shaun ang kasama
nya pakiramdam ko ayos lang
sa kanya?Pero bakit ako na
ngiti lang ang gusto hindi nya
magawa.

Kung alam ko lang na simula
ng mangyari ang riot magiging
ganito sya kalamig sana hindi
ko na tinuloy pa ang plano.
Ang bigat sa pakiramdam na
makita syang walang pakielam
sa akin.Na  walang gana nya akong
tignan.

I'm sorry Luna!

Papunta na ako sa dorm ng
makita  ko si Daniel na nakatingin
sa akin.Salubong ang kilay nya
at diretsong nakatingin sa akin.

Problema nito?

Hindi ko na sya pinansin pa
at nilagpasan na lang.Ngunit
nakakailang hakbang palang
ako ng magsalita sya.

"Kamusta na sya?"biglang
tanong nya sa akin.

Sino?

Imbis na pansinin sya ay napagpasyahan ko na lang na
talikuran sya.Parang siraulo
kasi na nagtatanong hindi
mo naman malaman kung
sino ang tinutukoy nya.

"Si Luna."Sabi nya na nakapagpahinto sa akin.

Inis ko naman syang hinarap.
"Sabog ka ba?"tanong ko
sa kanya pero salubong parin
ang kilay nya.

Hindi ko malaman sa isang 'to
kung anong hinithit at kung
anu-ano ang sinasabi
sa akin.

Malalim na buntong-hininga ang
pinakawalan nya."Si Sandra...
Si Luna?"

At nakiki-luna rin!Pero ang gulo
ng lalaking 'to!

"Hoy!Napapano ka ba ha?"
Inis na tanong ko sa kanya.

"Kamusta na si Sandra?"

"Malay ko!"inis na sagot ko.

Salubong pa rin ang kilay
nya habang nakacross arm.
"Pinuntahan mo sya diba?"

"At para namang nakapag-usap
kami!"

Umayos sya ng tayo."What
do you mean?"

"Kasama nya si Shaun kaya
hindi kami nakapag-usap!"
Inis na paliwanag.

He laughed bitterly and look at
me with a serious face."Kasama
pala nya si Shaun."tatango-tango
pang sabi nya."Bakit kung hindi
nya kasama si Shaun lalapit
ka ba?"

Ano ba tinira ng gagong 'to!
Uso na ang bagong buhay!

"Hoy!Daniel ano bang sinasabi
mo?"galit na tanong ko.

"Halatang-halata ka!"Natatawang
sabi nya.Kakaibang Daniel na 'to
para syang sinapian."Pero
wala syang alam!"

Iba na ang sapi nya!Nakakagago!

Sa inis ko lumapit na ko sa kanya.
"Siraulo ka ba?Hindi ko
malaman kung saan mo napulot
yang pinagsasasabi mo!"

"I mean halatang-halata na
may feelings ka kay Sandra..."
Nakangisi pa sya."Pero wala
syang alam sa mga pinapakita mo!"

Let the Love change youOnde histórias criam vida. Descubra agora