CHAPTER 42

0 1 0
                                    

SANDRA'S POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo.
Madalas na rin kaming magkita
ni Shaun sa bench.Si Max na minsan
'pag wala si Keith sumasalo sya sa akin gaya ng pangako nya nililibre
nya ako.Si Daniel naman ay tinutulungan kong maglinis.

Pero may napansin lang ako kay
Daniel nitong mga nakaraan.Parang
ang layo na ng Daniel na nakilala
ko sa mga pinakita nya sa akin.Kakaiba sa pakiramdam parang naiilang tuloy ako sa kanya.

Flashback

Biyernes!

Sa bench naglilinis ngayon sila Daniel.
Tinititigan ko sya habang naglilinis
magkasalubong ang kilay nya.
Parang ang laki ng galit sa mundo.
Kakaiba ang hitsura nya ngayon siguro ngayon ko lang sya nakitang
di maganda ang pagmumukha.

Sya ang tagahawak ng sako at nakatingin lang sya sa loob nito pero
salubong parin ang kilay.Tumayo na
ako sa bench at saka lumapit sa kanila.Pero hindi pa man nakakalapit ay narinig ko na sya.

"Daniel pabuka naman ng maayos."Sabi ng babae na nahihirapan sa dala nyang pitong
bote.

Tinanaw ko yung sako at hindi nga
maganda ang pagkakabuka.Imbis
na sumagot si Daniel ay hindi nya
ito pinansin.

"Daniel pabu---"

"Ano bang gusto mo!"biglang
sigaw ni Daniel at binalibag ang sako.
Dahilan para magulat ang babae at iba pa nyang kasamahan isama na ako 'dun.

"Sorry."nakayukong sabi ng babae.

"Anong buka ba gusto mo?"
Inis na tanong ni Daniel sa kanya.

Pfttt.Parang green minded ako!

"Paayos lang sana."mahinang
sabi ng babae.

Inis na kinuha ni Daniel ang sakong
hawak nya at saka binuka ulit.
"Lagay mo na!inis na sabi ni Daniel agad namang sumunod ang babae sa kanya.

Matapos 'nun ay umalis na ang babae at ako naman ang lumapit kay Daniel.

"Init naman ata ng ulo mo."
Walang emosyong sabi ko.

Tinignan nya ako saglit lang. Nakaramdam ako ng malamig nyang pakikitungo.Madalas kasi ay nakangiti sya sa akin.

"None of your business!"Sabi nya
at saka tumingin sa loob ng sako.

Sungit!Kung 'yan ang gusto mo magsungitan tayo! BWISIT!

"Masama bang mapansin ka?
Tsk.'Wag mong idamay sa init ng
ulo mo yung mga kasamahan mo!"
Inis na sabi ko sa kanya."Ikaw naman kasi ang mali hindi naman
kasi maayos ang pagkakabuka ng
sako!Kaya paano nya ilalagay 'yun
kung pitong bote ang hawak nya."

Hindi sya nakasagot.Kaya naman
pumihit na ako patalikod.Pero hindi
pa man ako nakakalakad ay nagsalita na sya.

"Sandra!"tawag nya sa akin.

Hindi ko sya nilingon.Tanging malalim na buntong-hininga lang
ang pinakawalan ko.

"Sorry."Sabi nya pero hindi ko parin
sya nililingon.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now