CHAPTER 9

0 0 0
                                    

MAX'S POV

Nasa dorm ako ngayon kasama si Gung.Hindi na sumama sa akin Ang iba dahil may gagawin daw sila.Nasa Sofa ako at umiinom ng juice.Si Gung naman ay abala sa laptop nya.

Sino kaya  yung babae na ' yun?

Iniisip ko kung sino yung babae na 'yun hindi lang kasi isang beses ko syang nakita .Kakaiba sya walang ekspresyon ang mukha nya.Nung makita ko syang nakasagutan si Gung ay nagawa ko syang titigan.May hitsura naman sya pero  hindi kagandahan.Kung titigan mo ang mukha nya parang laging malalim ang iniisip.Isa pang napansin ko yung mata nya parang may sinasabi .May pinapahiwatig sa akin.Parang ang lungkot.Bagaman wala kang mababasang ekspresyon.

"Boss!Mukhang malalim ang iniisip mo, ah!"si Gung sinarado nya ang laptop saka tumitig sa akin.

"Ano pakeelam mo?"singhal ko sa kanya.

"Hehehe!Boss masyado kang mainit."

"Kilala mo ba yung babaeng 'yun?"

"Huh?"

Paano nga naman nyang malalaman? kung sino 'yun.E wala ka ngang sinasabi!

"Yung babae na na kasagutan mo sa canteen?"

"Iyon! Yung mayabang na 'yun!Hindi Boss, Eh!"

"Kahit panggalan?"

"Hindi Boss!Bakit?"

"Nakita ko sya kanina,Sakal na sakal ni Shaun."

"Ano?"gulat nyang tanong.

"Tapang nga ng babaeng 'yun,Kung  anu-ano sinabi kay  Shaun."

"Tulad ng?"

"Sabi nya may bahog si Shaun." Natatawang sabi ko. "At saka bobo daw,Bago pa nga umalis sabi, Hayop ka papatayin mo ata ako,Eh!"

"Tapang nga boss,pero nakikita ko sya sa paborito nating canteen."

"Di bale pupuntahan ko na lang sya bukas sa  table nila."

Bigla ay naging interesado ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya.Bakit ganun ang epekto ng mukha nya para sa akin.Bakit walang ekspresyon ang mukha nya.Bakit parang ang lungkot lungkot nya.

SHAUN'S POV

Bumisita sa akin si Axel.Tinatanong kung ayos na daw ba ako.Nakita nya rin ang sugat sa kamao ko.Nagtanong sya kaya naman naikuwento ko na ang nangyari.Pati yung nangyari sa amin ni Sandra.Gulat na gulat sya at hindi makapaniwala.

"I can't believe it,bro!Babae 'yun , kailan ka pa pumatol sa babae?"

"Nakakaubos ng pasensya ,Eh!"

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa kanya."

"Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko,Bro!"

"Ano plano mo?"

"I need to see her."

"Bakit?"

"Magsosorry malamang!Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko."

"Alam mo ba yung panggalan?"

"Oo,madalas kaming magkita."

"Nyahhhhh! Madalas!" Ngingiti ngiti pa sya.

" 'Wag kang mag-isip ng kung anu-ano."

"Ano ba panggalan?"

"Sandra,Sandra Gyn Luna."

"Ganda ng apelyido ,ah!Tell me something about her."

"Bakit?"Kunot noong tanong ko.

"Parang interesting sya."

"Engineer student,first year College."

"Wow!Engineer!Anong klaseng Engineer?"namamanghang tanong nya.

"Civil Engineer."

"Alam na alam ,ah!"

"Malamang sa I.D"

"Kwentuhan mo pa ako!About looks."

Interesadong interesado,ah!

"Ayoko."

"Bakit naman?Maganda siguro hano?"nangigiti nanaman sya.

"Hindi sya maganda,okay?"

"Sobrang ganda lang."Natatawang sabi nya.

"Hindi!Hindi rin naman sya maganda,tama  lang,may hitsura.

"Kuwentuhan mo pa ako."

"Ano ba namang...May gusto ka ba sa kanya?"

Nanlaki naman ang mga mata nya. "Wala... Kuwentuhan mo na lang ako."

"May hitsura, maputi, matangkad,  mapayat,at mahaba yung buhok na straight."

"Mukhang maganda?"Sabi nya na parang iniisip pa ang mukha.

"Ewan ko sayo!"

Ng makaalis si Axel ay dumiretso ako sa kwarto.Nawalan na ako ng ganang kumain.Iniinda yung sakit ng kamao.Ng mahiga ako sa kama ay saka ako nag-isip.

Pasenya na... Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Let the Love change youWhere stories live. Discover now