CHAPTER 12

0 0 0
                                    

SHAUN'S POV

Dismissal

Hindi ko nakita si Sandra nung biyernes kaya hinanap ko sya ngayon. Lumilinga ako sa paligid baka sakali na makita sya.Hanggang sa marating ko ang bench kung saan laging nandun sya.Hindi ako nagkamali nakaupo sya at nakatingin sa mga students na naglalakad.Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

Pinakiramdaman ko ang kilos nya pero hindi sya tumitingin sa akin. Diretso lang nakatingin sa mga naglalakad.Hindi nya ako nililingon.Batid ko alam nya na ako si Shaun na katabi nya .

Ayaw man lang lumingon!

Kalahating minuto na ako na nakikiramdam sa kanya.Pero ayaw na pa rin akong lingunin.Hanggang sa hindi na ako makatiis .Hinarap ko sya pero parang nasa kawalan na sya.Walang emosyon ang mukha.

"Sorry."Sabi ko pero hindi nya pa rin ako nilingon.Bumuntong hininga pa ako."Sandra , I'm sorry."sinsero na sabi ko.

"Ano?"tanong nya na nakatingin parin ata sa kawalan .Parang wala sya sa reyalidad.

"I'm sorry."

"Ano?"tanong nya ulit.

"I said, I'm sorry."nauubusan na ako ng pasensya.

"Ano sabi mo?"Hindi pa rin sya nakatingin sa akin .

"Are you deaf."

"No."maiksi nyang sagot.

"So don't act like you didn't hear what I said."

"Ah!"namamanghang sabi nya.

"Sorry ."bukal sa loob kong sabi.

"Ha?"tanong nya.

"Are you shitting me?"inis na tanong ko.

Tumingin na sya sa akin."Sasakalin mo ako tapos magsosorry ka."

"Kaya nga ako nagsosorry kasi nasakal kita, believe me hindi ko gustong gawin yun ikaw lang kasi ang makulit."

"Talaga."

"I'm sorry,Sandra.Sorry sa ginawa ko."

"Yun lang?"Sabi nya at saka tumayo.

"Where are you going?"

"Somewhere."walang ganang sagot nya.

"Don't you even say some words." inis na tanong ko.

"What did you want me to say?"tanong nya nakatingin na sya sa akin.

"Kung ano gusto mong sabihin dahil nagsorry na ako."

"Ah! You're forgiven."

"Thank you."sinsero na sabi ko. "Aside from that thank you for being concerned."

"Okay na ba yung kamay mo?"

"Yes okay na."

"Okay."Sabi nya sabay talikod.

Ang lakas ng topak ng babaeng'to!

Nakahinga na ako ng maluwag matapos nya akong patawarin.Pero isang pinagtataka ko lang bakit ganun ang personality nya.Bakit walang emosyon ang mukha nya?

Martes

Dismissal

Naglalakad lang ako dahil wala naman akong ginagawa.Maaga pa kasi kaya naisipan ko munang maglakad lakad.Hanggang sa marating ko ang budega ng Maxprime.

"Hahahah!Dyan ka muna."natinag ako sa paglalakad dahil sa malakas na tawa ng babae.

"Oo nga enjoy ka muna dyan."Sabi ng isa pa.

Ng tuluyan akong makalapit sa kanila ay hindi nila ako napansin.Nakaharap sila sa pinto dalawang babae.

"Please nagmamakaawa ako sa inyo buksan nyo ito." May nagsalita sa loob at babae yun.

"Dyan ka muna!"sigaw nung babae na nasa labas.

"Please hindi ako makahinga dito, please!"sigaw nung babaeng nasa loob kinakalampag nya ang pinto.

"Saglit na lang, hintayin lang namin na mawalan ka ng hininga."

WTF?

"Please open the d-door now." nagmamakaawa na talaga sya batid ko rin na hirap na sya sa paghinga.

"Open the door."Sabi ko at nagulat naman yung dalawang babae .

"M-Major."gulat na sabi ng babae.

"I said open the door!" Sigaw ko sa kanila at nagmadali naman ang isa na buksan ang pinto.

Na tuluyan ng mabuksan yung pinto ay lumabas na ang babae.Nakayuko sya at alam ko nahihirapang huminga. Naghahabol sya ng hininga. Matapos noon ay tumingin sya sa akin.

Sandra?

Nagulat ako ng makita sya ganun din sya sa akin.Gulo-gulo ang buhok nya at namumula rin ang mukha.

"You!"turo ko sa isang babae."And you!"turo ko pa sa isa. "Get out bago ko pa kayo ikulong dyan sa loob!" Sigaw ko sa kanila .

"Sorry ."Sabi ng babae kay Sandra at nagtatakbo silang dalawa.

Tinignan ko si Sandra at naghahabol pa rin sya ng hininga .Gulo pa rin ang buhok at hindi na masyadong namumula.

"Are you okay?"tanong ko sa kanya.

"Hindi!Ikaw kaya ikulong ko."

"Ano ba kasi ginagawa mo sa loob?"pakiramdam ko na salubong na ang kilay ko.

"Punyetang'yan, kinulong nila ako ng sapilitan dyan!"Sabi nya at tinuro pa ang budega.

"Paanong nangyari 'yun?"

Napaupo sya sa sahig at tumingin sa mga paa nya."Nag-lalakad lang ako kanina dito ,E!nabangga ko yung isang babae."

"Tapos?"

"Kung anu-ano pinagsasasabi ... Tapos bigla na lang ako sinabunutan at sinampal."

"Hindi ka lumaban?"

"Paano?Dalawa sila."

"Kahit na hindi ka pa rin lumaban?"

"Hindi ko kaya...Halos mahilo nga ako sa sampal nila."

"Okay ka na ba?"nag-aalalang tanong ko.

"Nahihirapan lang akong huminga."

"Gulo-gulo yung buhok mo."

Tinignan naman nya ang buhok nya.

"Hayst,Thank you."sinsero na sabi nya.

"For what?"nag-mamaang maangan kong tanong.

"Don't be Stupid.Malamang for saving me."

Sakit magsalita ...

"Ikaw na tinulungan makatanga ka pa dyan."

"Sorry."Sabi nya saka tumayo. "Thank you,again."sabay layas.

Napangiti naman ako dahil nag thank you sya sa akin.Ang saya pala na matulungan ko sya kahit na masakit magsalita.Kakaiba pa rin sya pero ayos lang sa akin 'yun.

Let the Love change youKde žijí příběhy. Začni objevovat