CHAPTER 56

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Miyerkules...

Bakit ganun?Ang sama ng pakiramdam ko paggising ko.Bumalik na naman yung dati ko.Yung sakit na naramdaman ko noon.

Pagkalabas ko ng kuwarto.Dumiretso ako agad sa kusina at saka umupo.
Parang ang tamlay ko,walang gana!

"Okay ka lang?"tanong sa akin ni Keith.Napansin nya siguro na parang wala ako sa sarili ko.

"Uhm!O-oo!"pagsisinungaling ko.
Inumpisahan ko na rin yung pagkain.

Sobrang sakit... Please umalis ka na sa isip ko...


Flashback...

Pagkalabas ko ng room.Dumiretso na ako sa bench.Pagkarating ko 'dun,
hinanap ko na agad yung mga tao.
Bakit walang tao?Imbis na maghanap ng tao,umupo na lang ako.

Bigla na lang humangin ng malakas.
Nagliparan ang mga tuyong dahon,
nagkalaglag na rin ang ilan sa dahon.
Why it feels so creepy?Ang weird na talaga.Ano bang meron ngayon?
Bakit parang ang lungkot?

Papatayo na sana ako ng makita ko si Shaun sa baba.Kumakaway sya at nakangiti sa akin.Lalapit na sana ako sa kaniya ng makita kong may kasama syang babae.Malabo ang mukha ng babae,bigla na lang silang umalis.
Nakaramdam ako ng sakit,bakit ganun?Sino sya?

Dahil wala namang tao dito bukod sa akin aalis na lang ako.Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko.Hahakbang palang sana ako paalis ng may makita na naman akong tao.Papalapit sya sa akin ngayon.At ng tuluyan ng makalapit sa akin,napaupo na lang ako.Naging malinaw ang mukha nya.
Ang mukha ng lalaking niloko ako.

Xander...

Nakatingin ako ng diretso sa kaniya,
nanlalaki ang mata ko.Gulat pa rin kung ano ginagawa nya dito sa Maxprime! Mabilis syang umupo sa tabi ko.Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig.Gusto kong umalis pero di ko mahakbang ang paa ko.

Hindi, kailangan makaalis na ako dito!Kahit parang may tumutusok sa paa ko,pinilit kong ihakbang ang paa ko.Sa wakas nakatayo rin! Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang boses ni Xander.

"Sandra!"tawag nya sa akin,bigla akong kinilabutan.

Lumingon ako sa kaniya at nakangiti sya sa akin. "A-Ano g-ginagawa m-mo d-dito?"nanginginig pa rin ako.

Imbis na sumagot ay umiling lang sya sa akin.Nakatingin sa langit,hahakbang na sana ulit ako ng hawakan nya ang braso ko.Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko.

"Sandra!"tawag nya ulit sa akin,
mabilis kong tinanggal ang kamay nya .Inis ko syang nilingon.

"Tangina Xander!"Mura ko sa kaniya.

Bigla na lang may tumulong luha sa mata nya.Nabigla ako pero di ko pinahalata sa kaniya.

"ANO?WALA KA BANG SASABIHIN?
TATANGA KA LANG DYAN?"
Galit na sigaw ko sa kaniya.Di ko na rin mapigilang maluha.Tatlong taon tapos magpapakita sya sa akin.

"Sandra!I-I'm s-sorry!"
Tumayo sya at tinapatan ako.Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.Pero mabilis kong tinanggal 'yun!

"TANG'NANG SORRY 'YAN XANDER!
SORRY?MATAPOS NYO AKONG LOKOHIN?SORRY?GANUN KADALI 'YUN!FUCK YOU!"
Gusto ko pa sana syang harapin pero tumalikod na ako.Sobrang bigat na ng dibdib ko.Nakailang hakbang palang ako ng may marinig akong pamilyar na boses!

Let the Love change youWhere stories live. Discover now