CHAPTER 16

0 0 0
                                    

KEITH'S POV

Nauna na akong makarating kay Sandra sa dorm.Pagkarating ay umupo ako agad sa sofa at saka binuksan ang laptop.May presentation kasi kami bukas. Hanggang sa bumukas ang pinto at niluwal noon si Sandra.

Tinignan ko sya hanggang sa makaupo sa sofa at nilapag ang bag sa tabi nya.

"San ka nanggaling kaninang lunch?"Hindi ko napigilan magtanong dahil di rin kasi sya sumipot kanina.

"Punyetang Professor 'yan,tagal bago nagpalabas...Idagdag mo pa yung katangahan ko kanina."

"Bakit anong nangyari?"

"Nalaglag ko yung mga paperwork's ko tapos nawala din yung hikaw na bigay ni Janelle."

Sinong Janelle?

"Sinong Janelle?"Hindi ko namalayan na nailabas pala 'yun ng  bibig ko.

"A friend."

"A friend?"Pagbabalik ko sa kanya.

"Highschool friend ko 'yun."

"Nahanap mo naman ba?"

"Oo katulong ko si Shaun-"

Hindi nya tinapos ang sinabi nya. Tinignan ko sya pero nag-iwas sya ng tingin.Napangisi naman ako dahil sa inasta nya.Magandang pagkakataon para mambwisit.

"Shaun?"Sabi ko pero di sya sumagot.  "Shaun?"Tanong ko ulit pero hindi pa rin sya sumagot."Shaun-"

"Tinulugan nya lang ako."

"Hshs ,PAANO?"

Kinuwento nya sa akin ang nangyari. Nakakainggit lang dahil nilapitan sya ni Major.Pero okay lang dahil kaibigan ko naman sya besides bakit ako maiinggit.Kung gusto syang lapitan ni Shaun e di lapitan sya.Pero hindi ko parin maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

"Matagal na ba kayong nagkikita?"

"Ng hindi sinasadya."

"Sabi ko nga,kailan pa kayo nagkikita ng hindi sinasadya?"

Binigyan nya ako ng mapanuyang tingin."May merienda ba?"binago nya ang topic.

Damot!Ayaw magshare sa akin.

"Gusto mo ng pancake?"Pag-aalok ko sa kanya.

"Sige ba."

"Kuwentuhan mo muna ako."

"Huwag na pala."

"Hahahah!"tawa ko."Joke lang kung ayaw mong magshare e di wag."

"Magluto ka na."

"Yes Ma'am." Sabi ko saka sinara ang laptop ko.

Pumunta na ako ng kusina at nagprepare para sa ingredients.Maliit lang ang kusina namin para sa dalawang tao lang maliit din ang sala namin.Matapos magprepare ay binati ko na ang itlog, nilagay ko din doon ang harina pagkatapos naglagay ako ng konting tubig at saka nilagyan ng asukal tapos ay konting margarine. At saka ko niluto 'yun.

Matapos kong magluto ay hinanda ko na 'yun sa table namin.At saka naglagay ng tubig sa baso.

"Sandra luto na."Tawag ko sa kanya.

Lumapit sya at umupo sa upuan .Saka sya kumain."Ang sarap ah!"Tapos uminom.

Iyan ang gusto ko sayo.Hindi sinungaling hehehe!

"Naman."mayabang na sabi ko pa.

"Ng daliri ko."

Buset.......

"Joke lang!"Sabi nya saka kumain ulit.

Nagpatuloy lang sa pagkain si Sandra. Hanggang sa tumunog ang cellphone nya.Tinignan nya pa 'yun saka sinagot.

."Hello Ma!Opo.Kailan po ba?Ah,sige po .Opo .Nandyan po si Papa.A sige po .Bye!"

"Bakit daw?"

"Magkita daw kami sa mall." Walang ganang sagot ni Sandra.

"Kailan?"

"This Saturday."

MAX'S POV

Nakahiga na ako sa kama.Tapos nagiisip .Nakita ko kasi na magkasama si Shaun at si Luna. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip .

Baka naman nagsorry?E bakit mukhang seryoso si Shaun.Bakit pakiramdam ko close na sila.

Ang daming tanong sa isip ko  pero wala akong mahita na sagot.Sa totoo lang gusto kong lapitan si Sandra sa table nila gusto ko syang makausap kahit na hindi gaanong matagal.May isang tanong pa kasi sa isip ko 'yun ay kung bakit ganun sya ang mukha nyang walang emosyon.Ang malungkot nyang mata.O kung ako lang ba ang nakakapansin 'nun.Pero malabo sa pagkatao nyang 'yun lantaran.Parang matamlay,hindi interesado sa kausap,mukhang masungit pero iba na kapag kausap mo sya.Mukha namang mabait pero ipinapakita nya parin ang kawalan ng interes sa kausap.Pero andun din yung saya di ko ba alam kung saya ang nararamdaman ko nung makausap sya .Iba kasi ang dulot noon sa akin.Nung tawagin nya akong Max.

Okay,Sorry Max I have to go

Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa akin.Madami narin na tumawag sa panggalan ko pero iba ang pagtawag nya sa akin.Pakiramdam ko espesyal bagaman sa simpleng paraan nya ako tinawag pero iba talaga ang dating sa akin 'nun.Pakiramdam ko interesante syang tao.Napakainteresado nya para sa akin.

Natinag ako sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko 'yun malapit sa kinapapatungan ng lampshade ko.

Si Du

"Problema mo ?"tanong ko.

"Pasensya na boss."

"Bakit?"

"Nasabi na sa akin ni Joshua na alam mo na daw ,boss."

"Gago ka kasi.Ikuwento mo nga nangyari."

"Paalis na sana ako boss e nakita ko silang tatlo ang sama ng tingin sa akin.Tapos tinignan ko sila tapos nagsalita yung isa 'Yan yung mahina sa Python!Sabi ba naman boss.E Sino ang di magagalit kung manglait sila.Tapos 'yun nilapitan ko sila nagsalita din ako sabi ko Bakit nasubukan nyo na ba ako?Ayun boss hindi ko alam na sasapakin na pala nila ako.Ang ibig kong sabihin kung nakalaban na ba nila ako."

"Hindi mo kasi nililinaw."pagbibiro ko.

"Pasensya na talaga,boss."

"Huwag ka ngang madrama."Sabi ko.

"Anong plano boss?"

"Magpalipas muna tayo ng dalawang linggo.Saka tayo gaganti."

"Hehehe! Salamat boss."

"Kailan ka ba papasok?"

"Bukas na boss."

"Sige,bye."

Sabi ko at saka binaba ang linya . Aaminin kong ang ilan sa mga member ko ay hindi basag ulo.Mga nakapaligid lang talaga ang problema. Pero kung member ko ang may problema o nauna hindi ko sila kinukunsinti.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now