CHAPTER 19

0 0 0
                                    

DANIEL'S POV

Biyernes

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na kami sa paglilinisan namin.Ang lugar namin ngayon ay sa pwesto ng mga bench.Narito narin ang mga kasama ko.May dala na silang walis at dustpan may mga sako narin na nakahanda. Iba-iba kasi kami ng mga lugar ng paglilinisan.Ang gate ay hindi na namin nililinis dahil may mga guard naman 'dun.Ang madalas lang namin linisan ay ang mga study tables,mga bench, garden at sa ilalim ng mga puno dito.

Sa mga good fraternity pwede kaming magsuot ng kung ano man ang gustuhin namin.Pag maglilinis pwede kaming magbaon ng damit pero pwede rin naman na yung uniform na lang namin.Ako ay nagdadala minsan ng pamalit kapag sinisipag.May pamerienda din sa amin ang Maxprime.

Kaunti lang kaming naglilinis ngayon dahil wala ang leader ng Berde.Si Ashley ang leader ng Berde sya yung kaibigan ni Mira Jane.Hindi nya kasi maiwanan ang kaibigan nya dahil sa kumalat na issue.Pero ngayon ay ayos na ang lahat.

Marami na ring students ang nakaupo sa mga bench.May mga nagbabasa , nakikipagkuwentuhan,nakikinig ng music,may mga nag-iisa rin. Ngunit may isang estudyante ang kumuha ng atensyon ko Nag-iisa sya at nakatulala lang kung saan.Hindi ko sya maaninag dahil malayo ang pwesto ko sa kanya.Nasa bandang ibaba kasi kami habang sya nasa taaas.Maganda ang pagkakaayos ng mga bench dito tatlo sa isang line at sa bawat pagitan ay may mga puno.Ang kinauupuan nya ay may katabing puno ng Narra.

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko.Hindi ako masyadong pinahihirapan dito dahil tagabuka lang naman ako ng sako.Tatlo lang ang good fraternity dito at ang dalawa sa kanila ay may tig 25 na member habang ang isa naman ay 16 lang mas madami ang babae na sumasali sa good fraternity.

Tumingin ako sa relo ko at 30 minuto na pala ang lumipas.Sa di sinasadya napalingon nanaman ako sa babae na nakaupo 'dun kanina at hanggang ngayon nakatulala parin sy a at kung ano ang pwesto nya kanina ganun pa rin.Nagsecond look pa ako sa kanya. Para syang na sa kawalan. Pakiramdam ko tuloy ang weird nya. Oo weird talaga dahil hindi man lang sya nagbago ng pwesto.Hindi ko kaya ang ginagawa nya.

Tapos na kami sa baba at ngayon ay papunta na kami sa gawing taas.Sa wakas makikita ko na sya.Unti-unti kaming nakarating ng taas dahil pagpupulot na lang ng mga nagkalat na bote ang ginagawa namin.Walang masyadong mga plastic na nagkalat.

At ngayon ay pagkakataon ko na para makita ang mukha nya.Nagulat pa ako ng makita sya.Gaya kanina tulala pa rin sya.

Sandra Gyn Luna?

Tinago ko ang gulat na naramdaman ko.Hanggang sa makarating na kami sa pwesto nya.Binuka ko na lang ulit ang sako at saka iiling iling dahil di pa rin nagbabago ang kilos nya.

Hindi ko na 'yun pinansin at tumingin na lang sa mga kasama ko.Mga busy sila at ang saya nilang tignan dahil nagkakaisa.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now