CHAPTER 31

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Ng makarating kami sa isang
Restaurant ay lumapit sa amin
ang isang waiter dala ang menu.
Um-order na kami ni Janelle at
ngayo'y hinihintay na lang 'yun.

Napapansin ko si Janelle na
masama ang tingin sa akin.
Natatawa naman ako sa inaasta
nya.

"Problema mo?"
Natatawang tanong ko.

"Pinigilan mo kaya ako! Bwisit
na GUARD na 'yan!Ikaw kasi!"
Sabay turo nya sa akin.

"Paano nakakahiya kaya
yung ginagawa mo."
Natatawang sabi ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago."

"Ako!"turo nya sa sarili nya.
"No way!"pailing-iling pa sya.
"Naalala mo ba yung kagagahan
na ginawa mo 'nun?"tanong nya.

"Ha?"

"Nung Second year tayo."
Nakangiting sabi nya.

Flashback

Late na akong nagising kaya
naman nagmamadali akong
gumayak.May service ako at
apat kaming magkakasabay puro
kami babae.Laging nauuna si
Mama at Papa sa akin dahil nga
kailangan maaga sila sa School.

Paglabas ko ng bahay nakita ko
agad ang mga kasama ko na
masama na ang titig sa akin.

"7:25 na."Sabi ng isang babae.

Patay,5 minutes na lang!

Pagdating sa school ay marami
ng pila sa labas at ibig sabihin
mga late kami.Tumingin pa sa
akin yung mga kaservice ko ng
masama pero hindi ko na sila
pinansin.

Ang aga-aga nambubusit 'to.
'Pag kayo nalalate di ako nagrereklamo.

Dumiretso na lang ako sa line.
At dalawang pila yun at nakatapat
ko si Janelle.

"Tsura mo!"natatawang sabi nya.

"Yung mga kaservice ko kasi
BWISIT!"Sabi ko at saka pumadyak.

Mayamaya lang ay dumating na
yung guard namin na piling
Principal ayun sermon nanaman.

"Late nanaman kayo!"
Sigaw nya sa aming lahat.
Napayuko naman ang mga estudyante sa kanya."Di na kayo nagtanda...
Lagi na lang may late!"
Sigaw nanaman nya.

Agang sigaw nyan!

"Bakit kasi hindi kayo mag-alarm?"tanong nya pero
malakas pa rin ang boses.

"Hindi po nagising sa alarm.
Napasarap ng tulog,e!"
May malakas na loob ang sumagot.

Tinapatan naman 'yun at tinititigan
ng masama."Mga bastos kayong
estudyante!"sigaw nanaman nya.

Pano damay-damay na.

"Pinag-aaral pa naman kayo!
Mga natututunan nyo!"
Sigaw nanaman nya.

"Tatanong-tanong ka tapos
pag sinagot nagagalit."
Walang ganang sabi ko.

Let the Love change youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt