CHAPTER 13

0 0 0
                                    

SANDRA'S POV

Martes

Natapos ko na lahat ng klase ko.At dating gawi pupunta ako sa paborito kong bench.Ng marating ko 'yun ay naunahan ako ni Shaun.Nakaupo sya at nakatingin sa baba.Tumabi na lang ako sa kanya at nilingon naman nya ako.

"Thank you ulit."Sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"You're welcome."Parang wala sa mood na sabi nya.

"Okay ka lang?"Nilingon ko sya pero hindi sya nakatingin sa akin.

"Bakit?"tanong nya hindi parin nakatingin sa akin.

"Iniisip mo parin ba sya?"Hindi ko alam kung bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko.

This time he look at me."Why?"

"Naisip ko lang."Walang gana kong sagot.

"Why?"kunot-noong  tanong nya.

Ang ganda ng sagot mo...Puro bakit!

Nawalan na ako ng gana dahil sa mga sagot nya.Nakakabusit dahil nagtatanong ako ng matino puro pabalang ang sagot bumuntong-hininga ako ng pagkalalim-lalim.At saka tumayo dahil wala syang kwentang kausap ngayon.

"Where are you going?"tanong nya at nakatingin sa akin .

"Sa taong masarap kausap." Inirapan ko sya.

"Bakit?"

Punyeta...............

"Ginagago mo ba ako?"inis na tanong ko.

"Hahahahah!"tawa nya."Oo ganyan ka din naman sa akin."

Umupo ako at tinitigan sya ng pagkasama sama.Nakangiti na sya ngayon.

"Ano nakakabuset ba?"nakangiting tanong nya.

"Hindi!"sigaw ko sa kanya at saka tumayo."Wala kang kwentang kausap!"

"E di sorry!"sigaw nya rin sa akin.

"Bahala ka dyan."aalis na sana ako pero inupo nya ako ng pilit.At dahil doon nakatikim sya ng matalim na tingin.

"Oo iniisip ko sya...Pati ikaw."

Binigyan ko sya ng nagugulat na tingin."At bakit pati ako?"

"Ay hindi pala yung sinabi mo."

Ano ba sinabi ko?

"Tanggapin ang masakit na katotohanaan."

Ahhhhhh!Yun pala,E ano naman?

"Ang hirap kayang gawin ng sinabi mo." Natatawang sabi nya.

"Bakit?"

"Mahal ko parin sya."

"Bakit?"

"Alam ko na kung saan tutungo itong usapan na ito."

"Tanga!Bakit kako mahal mo pa sya."

Nagulat sya sa sinabi ko. "Seryoso ka?"

Ay hindi!

"Ano ba yan!"naiirita ako.

"Ex girlfriend ko sya."

"Alam ko."

"Bakit tinatanong mo pa kung mahal ko pa sya?"

"Syempre...."

Bakit ko nga  ba tinatanong?

"Hindi pa rin ba nawawala."tanong ko.

"Alin?"

Punyeta isa pa makakasakal na ako!Common sense...

"Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo sa kanya."

"That's not easy."

"Niloko ka nya at alam kong masakit 'yun kaya kung ako sayo kalimutan mo na sya."

"Paano ?Lagi ko nga syang naaalala."

"Gawin mong busy yung sarili mo.Ituon mo yung sarili mong kapaki-pakinabang."

"Sayo... ko itutuoon yung sarili ko."

"Ano?"gulat na tanong ko.

"Sabi mo sa kapaki-pakinabang---"

"Na bagay."pagpuputol ko sa sinabi nya.

"I'm just kidding."

Hindi na ako sumagot pa.Itinuon ko na lang ang paningin ko sa mga nag lalakad na estudyante.May mga tumatawa.May mga nag-aasaran.May nagkukuwentuhan habang naglalakad.

Naalala ko tuloy yung mga kaklase ko.Ang saya nilang makasama. Ang sarap nilang maging kaklase.Yung mga lalaki naming kaklase lagi kaming pinaptawa .Noong Fourth year high school ako.Nung mga panahong si Xander ang lalaking nasa tabi ko .

Pilit kong inalis sa isip ko si Xander. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari 'yun? Ng dahil sa kanya nagkaganito ako.Madalas akong tumawa masayahin ako noon.Friendly rin ako pero binago nila ako ni Kean. Kahit kalimutan ko ang nangyari masakit pa rin pag naaalala ko.

"Okay ka lang?" Natinag lang ako ng magsalita si Shaun.

"B-Bakit?"

"Parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Don't mind me."

"Ganyan ka ba talaga?"tanong nya ng nakatingin sa akin.

"A-Anong ganyan?"

"Wala."

Hindi ko na sya pinansin pa. Natahimik na lang ako.At saka nag-isip ulit.

Bakit ko nga ba katabi  'to?Bakit ko ba sya kinakausap? Bakit nya ako kinakausap?Bakit parang feeling close ako.

Tumayo ako at saka tumingin sa kanya.Nakatingin din sya sa akin .Parang binibigyan ako ng nagtatanong na tingin.

"Thank you ulit."Sabi ko saka umalis.

Wala na akong pakielam kung ano magiging reaksyon nya.Dumiretso na lang ako sa dorm at pumasok. Naabutan ko si Keith na nasa sofa at nakatingin sa laptop nya na nasa center table.

"May merienda akong ginawa.Nasa kusina."Sabi nya at nasa laptop parin ang paningin.

"Thanks."

Sabi ko saka pumunta sa kusina.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now