CHAPTER 4

0 1 0
                                    

Shaun's PoV

Nandito ako ngayon sa dorm ko at kasama si Axel.Kinuwento ko ang nangyari sa akin at kahit sya hindi makapaniwala.Hindi ko alam kung paano nagawa sa akin ni  Katherine'yun.Bakit kailangan nyang pumayag sa gusto ni Max.Bakit nya sinunod.Ang daming tanong sa isip ko at gusto kong masagot ito.

" 'Wag mong damdamin ,bro!" Si Axel .

"Hindi ko kasi maintindihan si Katherine... Bakit sya pumayag sa gusto ni Max?"

"Simple lang 'yan dahil gusto nya si Max...gagawin nya kahit anong gusto nito...kasi nga gusto nya si Max ,kasi nga gusto nya si Max ,Si Max ang gusto nya."

"Siraulo ka talaga ,alam ko."

"Pero nagtataka ako ,Ano nagustuhan nya kay Max?Mas gwapo pa nga ako 'dun ,Sa totoo lang."

" 'Wag masyadong feelingero ,bro!"

"O sige na pantay kami."

"Hindi rin."

"Abay ano gusto mo sabihin kong mas gwapo sya kaysa sa akin?"

"Mali ka kasi,Ano nagustuhan nya kay Max e mas gwapo pa ako 'dun."

"Aba ganun pala?Itinataas ang sarili."

Sandali kaming natahimik ni Axel.Buti na lang nandyan sya para makinig sa akin.Ganyan si Axel nakukuha pang magbiro kahit seryoso na ako .Si Axel lang ang madalas kong makasama.Si Aldrin kasi busy sa mga kasamahan nya.

"Tama nga si Max ako lang ang tangang nagmahal sa kanya." Natatawa ko pang sabi.

"Just accept it ,bro!Hindi talaga kayo para sa isa't isa.

"Sa 5 months na tinagal namin hindi ko akalain na palabas lang pala nya 'yun."

"E paano ka na ngayon?"

"Anong paano?"

"Slow, Ano gagawin mo ngayong break na kayo?"

"Kailangan ko syang makausap."

"Sino?"

"Slow,Si Katherine."

"Ah...Masakit ba ."

"Malamang ."

"Gaano kasakit?"

"Siraulo ka talaga umuwi ka na nga gabi na ."

"Ay! pinapaalis mo na ako?"

"Oo dahil puro ka biro,Mas masarap pang kausap sayo si Aldrin."

"Hayst,E di dun ka na."

"Joke lang."

Ng makalabas si Axel sa dorm ko ay doon ko nilabas lahat ng galit na nararamdaman ko.Gusto kong makausap si Katherine.Gusto kong sapakin si Max.Lahat ng makita kong picture ni Katherine sa frame ay pinagbabato ko .

Paano mo nagawa sa akin to?
 

Galit at inis ang nararamdaman ko ngayon.Gusto kong magwala dahil sobrang sakit ng ginawa nila. Dinamdam ko ang nangyari at ngayo'y nakahiga ako sa kama .Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko .Pumikit na lang ako at pinilit na kalimutan ang mga nangyari kanina.

Let the Love change youWhere stories live. Discover now