Chapter 29

16 0 0
                                    


Sabay kaming napabaling ni Gian kay Ate Kamil na kakababa lang sa sasakyan. Kasunod niya si Kuya Kris at Ate Serin. Nagulat ako nang pati si Lola ay bumaba din. Kasama nila si Lola pero si Tita at Lolo ay naiwan yata sa bahay.

"Anong ginagawa niyo dito, Ate?" Lapit ko sakanya. Nakaporma siya ngayon kumpara sa suot namin ni Gian. Magmamarienda lang naman kami d'yan sa malapit...

"Let's gala!" Aya niya.

"Conyo amp," rinig kong bulong ni Kuya Kris.

"Haha so hater," irap ni Ate.

Inaalalayan naman ni Ate Serin si Lola palakad. Lumapit naman ako agad at nagbless sakanya. She caressed my cheek and smiled softly. Kahit na may katandaan na ang lola namin ay halata padin ang pagka-strikta pero mapagmahal niya. Maganda pa din ang aming Lola at kahit tumanda ay hindi kumupas.


"I came to visit your Papa..." Aniya, "... Nand'yan sila?" She asked.


"Ah opo. They're inside..." Ate Serin and I helped Lola to walk dahil medyo nahihirapan na siya. Si Ate Kamil ay mukhang nauna na sa labas kasama si Kuya Kris.


Gian went to us and held Lola's hand to assist her. Napangiti naman ako while watching him carefully watching our Lola's steps.


Nangunot ang noo ni Lola nang tignan si Gian. She looked at him like she was trying to remember someone. Hindi naman kasi umimik agad si Gian at nagpakilala man lang, basta nalang umalalay.


"Kamukha nung boyfriend mo, Apo..." sambit ni Lola. Nagpigil ng tawa si Ate Serin at napangiti lang si Gian sa sinabi ni Lola.

"I'm her boyfriend po," magalang na sagot ni Gian. Lola's eyes widened and she stopped walking to fix her eyeglasses.

Dahil matangkad si Gian ay tumingala si Lola para masilayan ang mukha nito, she fixed her glasses and nanliit ang mga mata para yata makita lalo ang boyfriend kong nakatayo sa harapan niya.

"Handsome I see..." sambit ni Lola, "... what year are you in now? College?" Tanong ni Lola in a strict tone.

"Second year college po. I'm currently taking Medical Technology," sagot ni Gian. Umismid si Lola at naglakad mag-isa. Aalalayan sana ni Gian pero tinabig niya ang kamay nito.

"I can walk by myself," masungit na sinabi ni Lola. Ate Serin gave us an apologetic look.

"... Pero sumunod kayo sa loob. I brought something, dito na kayo magmarienda."

Nagkatinginan kami ni Gian at medyo naawa naman ako dahil kakakita lang sakanya ni Papa at muntikan na nga daw ibalibag tapos idagdag pa si Lola na sobrang mapili naman sa lalaki.

That's why my cousins are having a hard time to have a relationship. Sobrang strict ni Lola. I remembered Mama's story na si Lola daw ay itinakwil ng pamilya niya dahil ayaw kay Lolo. Lola now understands why her Mom is protective of her kaya naman hanggang sa apo ay nadala ang pagiging protective nito.

"Sorry, ganun lang talaga si Lola..." I apologized to Gian. Nakapasok na sina Lola sa loob at naiwan naman kami ni Gian sa tapat ng malaking double doors.


He held my hand that made me flinch. Nagulat ako. Namula ang pisngi ko at pinagsalikop nalang din ang mga daliri naming dalawa.

"It's okay. I handled your Dad, I'm sure I can please your Lola too..." aniya.


So Into YouWhere stories live. Discover now