Chapter 26

36 1 0
                                    


"Alexine Francesca Dominguez!"

Napatayo ako at bakas ang gulat sa mukha. I just won a gold medal again in both categories. Hapon na ngayon at awarding na. I wasn't really expecting for the best but it's my second time for this day to be called on stage.

Nationals na ako!

"Congrats! Galing mo tol!" Bati ni Darlwin.

"Congrats 'te Lexi!" Si Enrique naman.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni sir Cabral habang paakyat kami sa entablado. Nakipag-kamay ako sa mga guest bago isabit ang ikalawang gintong medalya sa leeg ko.

I saw my family from a far for the first time. Kasama din nila si Gian at Vanessa na nanonood ng awarding. I gripped on the certificate given to me and smiled at the camera.

I didn't really expect to win this time, for the second time. All the efforts paid off. Lahat ng pagpuyat at pagliban sa klase ay eto ang naging resulta. I wasn't doubting my skills nor boasting it either. I just did what I can and look at me now. Maliban sa'kin ay nakapasok din ng Nationals si Sandara pero sa Science writing nga lang. Si Enrique at Darlwin ay hindi nakaabot sa top 3 pero pang lima silang pareho. Still a high ranking.


Nang matapos ang awarding ay nagsiakyatan ang mga kanya kanyang school sa stage para mag groufie. We took couple of shots and I noticed students watching us.

"Naks nationals ulit!" Si Darlwin. Napangiti lang ako at napailing sakanya.

"Naks top five!" Tapik ko sa balikat niya. He chuckled and put his arms up looking like he's surrendering.


"Mas naks ka! Nationals 'tong ka-team ko oh!" Inakbayan niya ako saka itinuro turo. Natatawa naman akong pumiglas sakanya at napatingin kay sir Cabral na may kausap na isang guro kasama ang studyante niya.

"Uy ano 'yan, Sir? Reto mo nanaman?" Kantyaw ni Enrique. Napatigil kami ni Darlwin at napaayos ng tayo sa harapan ng guro.

Nahagip ng paningin ko si Sandara na nagpapacute at nag-aayos ng buhok habang nakatingin sa mestizong lalaki na kaharap na namin ngayon. Galing sa ibang school ang isang 'to. Nagulat pa ako nang ngitian niya ako.

"Lexi, Papicture lang daw..." si Sir Cabral. Napakurap kurap naman ako.

Seryoso?


"Seryoso, Sir? Sa'kin talaga?" Takang tanong ko. Nagulat pa ako nang humakbang ang lalaki at naglahad ng kamay niya sakin. Napatikhim ang dalawang guro pati ang kasama kong sina Dar.


"Hi, I'm Austin. I've been eyeing you for quite some time now. Fan ako." Anito.

Fan?

"Fan? Grabe naman 'yan hindi naman ako artista!" I chuckled. His smile widened a bit as I accepted his hand.


"Alexine, nice meeting you..." I smiled back at him.

"Can i ask for a picture?" Tumango nalang ako at lumapit naman siya sa'kin. His Teacher is holding his phone for him. Nakangiti kami ngayon sa harap ng camera. We took three photos and they bid goodbye.

Pagkaalis nila ay nakangising nilapitan naman ako ni Enrique at Darlwin.

"Grabe talaga. Bukas hahanapin ka 'nun sa SocMeds mo. Journalist and a journalist love story ba 'to?" Si Enrique.


Natatawa siyang inakbayan ni Darlwin ay bahagyang binatukan. Napasinghap siya at gumanti kay Darlwin. Siniko niya ang tagiliran nito..


"Hindi na 'yan pwede. May manliligaw na 'yan, hanggang picture lang 'yon."


So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon