Chapter 31

26 0 0
                                    


Dati ay hindi ko naman inaasahan na minsan hahantong na sa ganito ang buhay pag-big ko. Isa lang naman akong hamak na junior ni Gian dati, e. Ako lang 'to kumbaga, just a mere admirer of Gian Laxson.

 

But tables have turned.


Kahapon ay umuwi na ang mga pinsan ko. Hinatid namin sila sa airport at ayaw pa ngang magsipag-uwian dahil nawili dito. Gustuhin man nila mag-stay ay hindi pwede dahil ang business ni Tita Krisanta ay nando'n. They'll come back for a vacation soon...


Lola and Gian were surprisingly close the day before they fly back to L.A, halos hindi na ako kinausap nang magkapalitan sila ng salita ni Gian. Lola likes him at halata ko naman 'yon. I can see how lola set her tone and how she looks at Gian.


"Uy Dominguez may groupings mamaya sa PR, ah?" Kalabit sa'kin ng kaklase kong kadarating lang. Kakasimula lang ng klase namin at may groupings na agad, ganito yata talaga kapag graduating.


"After class? Sige, pupunta naman ako..."


Magmemessage nalang ako kay Gian na huwag akong sunduin, balak niya kasing sunduin ako. Next week pa ang resume ng klase nila kaya naman ay nasa bahay pa din siya ngayon at nag-aaral para sa nalalapit na classes.


The day was quite stressful dahil may ilang bagong subjects na dumating. Since start na ng Second Semester ay may ilang pagbabago talaga. Hindi lang naman pagbabago ang dumating, pati madaming assignments. Yung iba kasi ay orientation na may kapartner na assignment kaya ayon..


Sulit na sulit ang bakasyon namin kaya naman ay sinisingil kami ng schoolworks ngayon. Ganun na talaga ang cycle ng student life at walang magbabago hangga't hindi pa nakakapag-trabaho. It's quite stressful but that's how it is.



Like a whirlwind, our classes ended pretty early than usual. Nag-iba ang schedule at may ilang guro na hindi pumasok ngayon because of unknown reason. Tapos na agad ang klase at ibig sabihin nun ay diretso groupings na kami after class. Bago ako makaalis man lang sa room ay nagtext naman sakin si Gian.


Love:

Fetch you?


Ako:

Wag na. May groupings kami, sasabay nalang ako :)


Love:

Sure? Okay. Send me the address instead, just in case.


Napangiti naman ako. Dati ay hindi ako ganoon ka-excited umuwi pero ngayon ay papasok palang ako ay uwian na ang naiisip ko dahil may susundo sa'kin.


Syempre biro lang.


Sa bahay ng kaklase namin ang groupings kaya naman ay sabay sabay kaming pupunta. Madalas kaming doon mag-groupings kaya naman ay sanay na din sa daanan. Hindi naman gaanong kalayo ang bahay niya at konting lakad lang.


Isabel is my groupmate as well, hindi naman ako close sa ibang kaklase at kay Isabel ako mas malapit.

So Into YouWhere stories live. Discover now