Chapter 42

19 1 0
                                    


[Hmmm? Pakiulit naman ng sinabi mo] pakiramdam ko ay nakangisi siya ngayon.


Umirap ako at nahiga habang yakap padin ang unan ko. I bit my lip to suppress myself from chuckling.


"Ang alin? 'yung okay?" Inosenteng tanong ko kahit alam ko naman ang tinutukoy niya, "... Okay lang."


He groaned a bit that made me laugh. Sarap talaga asarin ng isang 'to. I really miss Jay, walang halong biro pero aasarin ko muna siya dahil trip ko lang.


[Not that! Baby, 'yung isang sinabi mo! Dali...] He sounded desperate to hear it again. Kunwari ay pinag-iisipan ko pa ang sasabihin para mas lalo siyang maasar.



"I miss you," biglang sabi ko. Natahimik ang linya niya at narinig ko pang inasar siya.


[Panget mo kiligin, Jay! Kadiri ka!] Asar sakanya, [Stop eavesdropping! Dun ka!] Sagot sakanya ni Jay.


Napailing nalang ako. Palagi kapag tatawag siya ay maririnig kong inaasar siya ng mga katrabaho niya. Hindi naman niya sinasabi o nababanggit ang pangalan ko at palaging 'baby' ang tawag sa akin.


He's an artist and exposing me would be bad for me as well dahil ayoko sa spotlight. One time na lumabas nga kami ay naka disguise din ako at hindi ako nakatakas sa media dahil bago pa matapos ang araw ay kumalat ang tweet na may kadate si Jay!


"Okay na? Masaya ka na?" I teased Jay.


[Sobra... Pero mas sasaya ako kapag...]


I sighed.


[... Kapag inuwian mo ako ng pasalubong. Ilang buwan ka ba magsstay d'yan?]


Limang buwan ang binigay na leave sa'kin. Ang haba naman no'n at baka mabaliw ako sa kakahintay matapos 'yon. Siguro okay na ang dalawang buwan para sa'kin at baka tawagan ko nalang ang boss ko...


Spark spark pa kasi...


"Siguro two months? Papahinga lang..." Sagot ko sakanya.


[Mmm... Binigay sa'kin ni Mike susi ng condo mo ha? Mind if I stay there paminsan minsan? Lalo na kapag namimiss kita.]


Itong si Jay kapag may taping malapit sa unit ko ay hindi na 'yan nauwi at sa condo ko na natutulog. Pinaglagyan ko na nga ng kama ang guest room dahil lagi siyang nando'n at nakikitulog tapos kahit pagod galing sa taping ay siya pa ang magluluto ng pagkain.


"Okay lang, pakilinis na din ah?" Biro ko. Tumawa naman siya.


[Grabe! Siyempre maglilinis naman ako do'n!]


"Sideline mo ba?"


[Ang ano? Maglinis o maging househusband?] Namula naman ang pisngi ko sa tanong niya.


Kapag inuumaga na ako ng uwi dahil sa trabaho ay madadatnan ko 'yan minsan na hinihintay ako sa sala, tulog at may nakaready na siyang pagkain para sa'kin.


Jay and I have been friends for three years na ata? Right after my break up with that shitty Engineer ay I tried to enter a relationship again but that one was a bit violent so I ended it with that guy and refused to give chances sa iba. Funny because Jay and I met sa precinct, siya ay nandun dahil may nakabangga sakanya habang ako naman ay nagsuplong sa pulis patungkol sa bayolenteng nobyo.


"Siraulo," sagot ko, "... Wala ka bang trabaho? Kanina pa tayo magkausap, ah?"



[Tapos na taping at nagliligpitan palang. Maya maya ay uuwi na rin naman ako, ikaw? Kamusta ka d'yan? Kumain ka na ba ng dinner?] Sunod sunod na tanong nito.



So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon