Chapter 30

24 0 0
                                    


Shock was written all over their faces ng makita kami. Namumulang nag-iwas ng tingin si Ate Kass at napakamot sa batok si kuya Lance. What is really happening here? And where is kuya Maccoy? Sabay silang umalis tapos si Ate ang naiwan dito?

I thought ate despised kuya Lance? My mind is so confused right now.


Sabagay, lahat naman pwedeng magbago. Kami nga ni Gian ay hindi nagpapansinan dati pero ngayon ay in a relationship na... I mean, anything is possible? Even enemies can turn into a friend.


"Hi! Bebe ka ni Kassandra?" Masiglang tanong ni Ate Kamil nang maupo sa tabi ni kuya Lance. Napakurap naman si kuya Lance sa tanong ni Ate Kamil.


Ate Kamil is Ate Kamil. Madaldal at mahilig makipag-socialize. Kahit hindi niya kilala ay dadaldalin niya.


"Ate!" Saway ni ate Kass sakanya.


"Akala ko ba magka-away sina ate?" I asked Gian now who's stunned watching his brother and my sister in one table.


He shrugged and snaked his arm around my shoulders and led me sa katapat lang na lamesa nina Ate Kassandra. Hindi niya din alam? I don't think kuya Lance and Gian talks to eachother that much.


Kasama namin sa table si ate Serin at kuya Kris habang si ate Kamil ay nakikichismis sa table nina ate Kass. Rinig ko ang pananaway ni ate Kass sakanya tuwing kakantyawan niya ang dalawa. Napapailing nalang si kuya Kris at ate Serin sa kaingayan ni ate Kamil na rinig yata sa buong floor.


"Oh? Maccoy left with a girl?! Oh my gosh I have to make sumbong!" Maarteng sambit niya.

Napawi nalang ang mga ngiwi namin nang dumating si Ate Gem na may dalang maliit na notepad. Pansin ko ang paglawak ng ngisi ni Kuya Kris habang pinapanood si ate Gem na lumapit sa'min.


"Order niyo? Oy pagkain lang sagot ko, Lexi, ah." Aniya at tumawa pa.


"Sige, ate... uh hot choco nalang sa'kin," agad naman niyang sinulat ang order ko at bumaling sa katabi kong si Gian.


"Iced chocolate," ani Gian.


"Matcha frappe sa'kin, with extra cream..." si Ate Serin.


Sunod naman niyang binalingan si Kuya Kris na nakatulala ngayon sakanya. Bahagyang nakaawang ang labi nito habang pinagmamasdan ang matalik na kaibigan ni ate Kassandra.


"Sir? Order mo?" Napaayos naman ng upo si kuya Kris at ngumisi.


"Iced coffee tsaka number mo na din..." malokong sabi nito.


Namilog ang mga mata namin ni ate Serin. Sa pagkakaalala ko ay wala naman sa lahi namin ang babaero? Mahangin, medyo, pero ang pagiging maharot wala?


Hindi ko na pala sigurado dahil living proof ako ng kaharutan...


"Ha? Sira ba tuktok mo, Sir?" Kunot noo na tanong ni Ate Gem. Grabe naman ang papigil ng tawa ni ate Serin, tinatakpan niya ang bibig habang namumula na din.


Kapag tinanggal niya 'yang kamay niya hahagalpak 'yan ng tawa.


"Hindi naman. Baka 'yung puso ko... bilis kasi ng tibok,"


Tumango naman si ate Gem habang nagsusulat sa dalang maliit na notepad niya. May ngisi sa labi at mukhang balak makisakay sa trip ng nakakatandang pinsan ko.


"Tapos mag-i-iced coffee ka po 'no? Goodluck sa'yo, Sir. Coffee now, palpitate later!" Ngiti nito at umalis na matapos kuhanin ang order.


Magkasing-year lang si ate at ate Gem. College palang din si ate Gem pero nagduduty sa café niya kapag may free time siya. Madalas siguro siya ngayon dahil wala pang pasok. Noong pinag-part time niya ako dito ay madalas din siyang maging taga serve.


So Into YouWhere stories live. Discover now