Chapter 12

36 1 0
                                    

Kanina ko pa hawak ng mariin ang cellphone ko habang nakatitig sa request kay Gian na hindi parin niya ina-accept hanggang ngayon. Ganun ba siya ka-busy sa academics at pati social media ay halos hindi niya magalaw?



Sapo ko ang noo ko habang nakalapag naman sa lamesa ko ang cellphone na nasa account ni Gian. Lumipas ang mga araw na madalas kaming magkasabay sa pagpasok. Siya ang nagpupumilit na magbayad tuwing umaga sa jeep at hindi na ako naangal. Minsan lang kami magkasabay sa pag-uwi at kapag hindi nagkakasabay ay nasa likuran niya lang ako, nasunod.



Ganun pa rin naman ako tuwing umaga. Dinadaldal ko siya sa kung ano anong bagay kahit hindi man lang siya makakasagot ng lagpas sa tatlong salita ay ayos lang. Hindi naman kasi pinipilit dapat padaldalin ang tahimik. Sabi rin ni Vanessa ay dapat lang tiyagain na kausapin para maging komportable siya sakin kalaunan.



Hindi naman sa nagmumukha na akong desperada... medyo lang?


"I-accept mo naman..." bulong ko sa sarili. Inulit ko ulit ang follow request ko para naman mapunta sa unahan ulit, baka mapansin niya at i-accept na.



Kakatapos lang ng lunch namin at kasabay ulit namin sila ni Sean. As usual, tahimik pa din kagaya ng dati. Buti nakakatagal siya ng hindi nagsasalita 'no? Baka ikamatay ko kapag hindi ako nakapagsalita. Nakakapanis ng laway.


"Another episode of Alexine making asa on Gian..." naiiling na sabi ni Vanessa. Agad kong itinago ang cellphone sa bulsa ng palda ko at napatingin sa pintuan kung san kakapasok lang ng teacher namin.



"Ano nanaman bang problema mo?" Tanong niya.



Ngumuso ako, "Eh hindi parin ina-accept follow request ko... last year pa kaya 'yon." Sagot ko.



"Anong last year? Last two years ago pa kamo!" Aniya, "Edi sabihin mo sa personal na i-accept ka. Laki ng problema mo nakakasabay mo naman pumasok," aniya't saka naupo sa upuan niya.



Oo nga 'no? Boba talaga Lexi.



At yun nga ang gagawin ko. Nang natapos ang mahabang araw namin ay hindi namin nakasabay si Sean at Gian, sabi ni Vanessa may groupings daw ang dalawa at saktong magka-group sila. Si Vanessa ay sinundo ng driver niya at ako naman ay magcocommute mag-isa. Sa pagpasok lang naman ako madalas na may kasabay at hindi sa pag-uwi.



Pumara ako sa pares-an na kinainan namin ni Jay nung nakaraan. Ang isang 'yon ay walang masyadong paramdam. Busy ata sa training at kahit messages hindi masend, ayos lang naman.



"Anong sa'yo?" Masungit na tanong nung bagong tindero.



"Isang order ng pares, take out." Sagot ko. Tinanguhan lang niya ako at nagsimulang magbalot ng order ko. Napapadalas din ang hanap ko sa pares dahil masarap nga kasi. Naging paborito ko na nga rin ata 'to.



Habang naghihintay ay nilabas ko ang cellphone ko at nagpunta ulit sa profile ni Gian. Naka pending parin ang request ko. Hindi ata 'to nag-oopen ng social media niya eh, para saan pa 'yon kung 'di naman niya bubuksan diba?



Basta bukas ay sasabayan ko ulit siya sa pagpasok at sasabihin ko na tanggapin yung request ko. Friends naman kami kaya dapat niyang i-accept diba?



"Huy kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Kung tutunganga ka lang d'yan sa cellphone mo, nakakaistorbo ka sa mga bibili!"



Napaigtad ako nang lumakas ang boses niya. Muntik ko pang malaglag ang cellphone ko buti nalang ay hindi nangyari. Ang masungit na tindero ay halos magkasalubong na ang dalawang kilay, attitude ka kyah? Sorry na nga eh. Napanguso ako at kumuha ng pambayad.



So Into YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin