Chapter 43

23 1 0
                                    



Nanginginig kong ibinalik ang phone niya habang nagsisimula ng tumugtog ang napindot kong kanta. Wala na akong pakialam kung love song man iyon o hindi.


"I-Ikaw nalang mamili..." I awkwardly said. Kinuha niya naman ang phone niya at inilapag sa gilid niya.


I was already feeling uneasy at sumaktong traffic pa talaga. Fate has been playing weird games sa akin at hindi talaga ako natutuwa. I pouted while listening to the song na may pagka rock and roll pa kaya napapa headbang ako.


Iuntog ko nalang kaya ulo ko dito sa bintana.



My thoughts were interrupted by a loud ring from my phone. Pangalan ni Jay ang lumitaw sa screen kaya napapikit ako ng mariin. This felt so bad like I was a two timer at hindi ko alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko.


"Hello..." I greeted.


[Hi, baby! Nasaan ka?] I nervously glanced at Gian. Nakakunot na ang noo nito at masama ang tingin sa daanan. I bit my lip.


"Pauwi palang. Galing ako kina Vanessa," I lowered my voice a bit.


[Mmm...] He hummed, [Watch the interview later okay? I have a surprise.] Excited na sabi niya.



My brows furrowed, what could it be? He always tell me something about his gigs, ako nga unang nakakaalam bago ang media kaya ano naman ang surprise niya ngayon?



"Let me guess... A new movie?"



[Nah... Kakatapos lang 'nung huli kong movie, right?] Ay oo nga pala, [ah! I cleaned your unit kanina and also changed your bed sheets. Grabe umalis ka ata talaga para linisin ko ang unit mo] he sounded hurt, acting like it.



Natawa ako ng bahagya, "Hindi, ah. Kapag nand'yan ako naglilinis ako grabe ka sa'kin..." Bulong ko.



I heard him chuckled.



[Bakit ka ba nabulong? I can't hear your pretty voice! Ugh I miss you!]



"Miss you too..." Halos lumabas sa ribcage ko ang puso ko nang mapa-preno ng malakas si Gian.


Hawak ko ang dibdib ngayon dahil sa kaba. Malakas pa ang pagkakatama ko sa headrest kaya medyo masakit 'yon pati ang katawang pinagkakabitan ng seatbelt. Habol ko ang hininga nang lingunin siyang masama padin ang tingin sa daan.



Ihahatid ba ako sa bahay nito o baka sa purgatoryo?



[Hey what happened, Lex?] Nag-aalalang tanong ni Jay


"I'll call you later." Pinatay ko ang tawag at agad na sinigawan si Gian.



"Are you trying to get us killed?!" Histerikal na tanong ko. Iritado siya nang tignan ako at sumulyap pa sa hawak kong cellphone.



"Of course not. May dumaang pusa, I had to step on the break. Nagulat lang ako..." Paliwanag niya at binuksan muli ang makina ng sasakyan.


"Gosh," I sighed loudly, "Please drive safely. Mahal ko pa ang buhay ko..." Pagmamakaawa ko.


I swear I heard him whisper something pero hindi ko na pinansin dahil nagmaneho na ulit siya. 



"Ha?" I asked when I heard him whisper something I didn't understand. Hindi na siya umimik at mas kumalma naman ang pagdadrive.


He continued driving habang ako naman ay nag sorry kay Jay. I texted him that I'm fine and I'll talk to him later pero hindi na siya nagreply, probably he has work to do and it's understandable.


So Into YouWhere stories live. Discover now